Minsan, sa dami ng problema sa buhay ay hindi natin maiiwasang sumuko at huwag nang ituloy ang laban.
Photo credit: Mark Allen Armenion
Ngunit kung tayo ay magsisikap at magtitiis, siguradong makakamtam natin ang ating mga pangarap. Ang tamis ng tagumpay ay napakasarap lalo na’t pinaghirapan ito at dumaan sa maraming pagsubok.
Kaya naman masayang masaya si Mark Allen Armenion, 24-year-old, matapos siyang makapasa at maging isa sa mga topnotcher sa board exam ng Mechanical Engineering.
Si Armenion ay isang market helper o kargador mula sa Warwick Barracks, Carbon Market, Cebu City.
Kwento ni Armenion, akala niya ay hindi siya makakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay at laging kapos sa pera ang kanilang pamilya.
Photo credit: Mark Allen Armenion
Photo credit: Mark Allen Armenion
Palagi raw siyang absent sa paaralan at may mga bagsak pa noong siya ay nasa elementary at high school pa lamang.
Siya ay bunso sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ina na si Marites Armenion ay nagtitinda ng uling sa Carbon Market at ang kanyang ama na si Rene naman ay isang tagaluto ng lechon.
Hiwalay ang mga magulang ni Armenion.
EDUCATION BACKGROUND
Elementary: Mandaue City Central Elementary school (failed in 3rd grade)
High school: Mandaue City Comprehensive national Highschool (Failed in 3rd year)
Awards:
- Best in math (Highschool)
- National Quiz Champion in PSME Quiz Bowl 2018
- Regional Quiz Champion in PSME Quiz Bowl 2018 & 2019
- CESAFI math quiz bowl champion 2018 & 2019
Pagdating ng kolehiyo ay nag-aral siya sa University of Cebu – Lapu-Lapu and Mandaue (UC-LM) habang isang working student noong second year college.
Samantala, isa nanamang pagsubok ang dumating sa buhay ni Armenion nang ma-demolished ang kanilang bahay sa Mandaue City na naging dahilan upang lumipat sila ng tirahan.
Photo credit: Mark Allen Armenion
Sa kanilang paglipat ng tirahan ay napunta si Armenion sa University of Cebu-Main.
Aniya, napaka-supportive raw ng kanyang pamilya sa kanyang pag-aaral kahit na baon na sila sa utang.
Subalit, kahit raw maganda ang kanyang mga grades ay hindi niya nakuha ang titulo bilang Cum Laude dahil siya ay transferee lamang.
Aminado si Armenion na medyo disappointed siya dahil hindi siya ang naging top sa board exam dahil halos dalawang taon niya itong pinaghandaan.
Photo credit: Mark Allen Armenion
Umabot sa 95.70 percent ang score ni Armenion habang ang number 1 naman ay mayroong 96.60 mula sa VSU Baybay City.
Kwento niya, bukod sa cash incentives na binibigay ng University of Cebu sa mga topnotchers, ang kanyang mga magulang ang talagang inspirasyon ni Armenion.
“THAT WAS MY MINDSET DURING MY COLLEGE DAYS. PARA IF INCASE DI NAKO MA BEAT, SURE JUD NA MO LAND KO SA TOP LIST. DRIVING FORCE TO NAKONG PREMYO SA UC, AND AKONG MAIN INSPIRATION IS AKOA JUD PARENTS.”
***
Source: Sugbo.PH