Marami sa atin ang pumapasok sa trabaho na maayos ang pananamit, empleyado ng malaking kumpanya, ngunit ang inuuwian ay payak lamang na tirahan. Kasalungat nito ang kalagayan ng 62-years old na balut vendor na si Nanay Amelia Madriaga na mula sa Urdaneta, Pangasinan.
Bagaman ang kanyang nakagawiang 'opisina' ay sa kalsada lamang; hindi magara ang suot na damit habang naghahanap-buhay, ang kanya namang pwedeng uwian ay ang dalawang (2) palapag na modern-style house.
Napukaw ang atensyon at naantig ang marami sa kwentong ito ni Nanay Amelia, na higit limang dekada nang nagtitinda ng balut, matapos siyang bigyan ng kanyang anak ng bagong bahay at lupa upang masuklian ang lahat ng sakripisyo nito at tuparin ang munting pangarap ng kanyang ina.
Ngunit, ang ang balut vendor ay ayaw tumira rito.
"Maganda ang bahay pero parang ayaw ko talaga doon," pahayag ni Nanay Amelia.
Katorse (14) anyos si Nanay Amelia noong magsimula siyang magtinda ng balut sa palengke. Bahagyang natigil lamang ito noong nakapag-abroad ang asawa niyang si Tatay Roberto, dahil siya ang naiwan upang mag-alaga sa kanilang dalawang anak.
Sa paglipas ng mga taon, nakapag-asawa na ang mga anak ni Nanay Amelia pero nito lamang 2016, pumanaw ang mister niya.
Sa kagustuhang may sariling kita, nagpatuloy siya sa paglalako ng balut umaraw man o umulan.
"Mahirap pero okay lang sakin basta gusto ko kumita kahit konti lang. Nakakatubo din ako ng P300 kada-araw," ayon sa kanya.
Inamin ng isa sa kanyang mga anak na minsan na niyang ikinahiya ang pagtitinda ng balut ng kanyang ina noong siya't bata pa at ito'y kanyang lubos na pinagsisihan. Kaya nagpursigi siya na suklian ang lahat ng pagsasakripisyo ng kanyang ina.
Matapos ang ilang taon na pag-iipon at pagne-negosyo ng anak ni Nanay Amelia na si Ruby, ang inaasam-asam na 'bungalow house' ng balut vendor ay hinigitan pa nito.
Ngunit nang ayain ng siya ng kanyang anak para lumipat ng bahay ito ang naging sagot ng kanyang ina:
"Maganda 'yung bahay nila, may aircon. Kaya lang, mas gusto ko pa din dito (sa lumang bahay). Andito 'yung ala-ala ng asawa ko. Kasi ang sabi ng asawa ko noong nabubuhay pa, 'wag niyong ibebenta itong bahay na ito,' parang gusto ko na dito dahil ito ang napundar ng asawa ko."
Makailang ulit mang kumbinsihin ng anak na nalumipat ang matanda sa kanyang pinagawang bahay ngunit hindi na nila ito napilit.
Source: 1