Mistulang isang kwento sa pelikula ang pagkakahuli sa magkamukhang-magkamukha na magkakambal matapos nilang gumamit ng iisang driver’s license sa loob ng 20 years.
Larawan mula Elite Readers
Ayon sa article ng ‘Elite Readers’ ang kambal ay mula sa Jiamusi, Heilongjiang province of China.
Ayon sa mga reports, nabuking ang ginagawang kalokohan ng magkapatid na may apelyidong ‘Yan’, nang pahintuin ang nakatatanda sa kambal ng mga pulis habang nagmamaneho.
Suspetsa ng mga pulis ay ‘revoked license’ ang gamit nito. Kahit na nagpanggap itong siya ang nakababatang Yan ay nagduda parin ang mga pulis dahil may napansin silang kakaiba.
Larawan mula Elite Readers
Sa pagtingin ng mga pulis sa kanilang database, nakita nila na ang mas nakababatang Yan ay marami pang buhok, habang ang nakatatanda naman ay napapanot na.
Kahit na nakasuot ng bonnet ang nakatatandang Yan nang siya ay parahin ng mga pulis ay pinatanggal nila ito kaya bumungad sa kanila ang napapanot na nitong ulo.
Larawan mula Elite Readers
Dito na napag-alaman ng otoridad na salitang ginagamit ng magkapatid ang iisang driver’s license.
Parehas nang na-revoke ang license ng magkakambal noon dahil sa pagmamaneho ng lasing, ngunit ang nakababatang Yan ay muling nakakuha nito matapos dumaan sa ilang driving test. Mula noon ay isang license na lamang ang kanilang ginagamit.
“Although they looked really alike, there were some features that set them apart - including the thickness and the length of their hair," sabi ni officer Zhao Xin.
"I have been using the same driver's license with my younger brother for 20 years," sabi ng nakatatandang Yan.
Larawan mula Elite Readers
"We are twins, so we look very alike," pag-amin nito.
Ayon sa Daily Mail, si Mr. Yan ay pinagmumulta ng 2,000 yuan o mahigit P14,000. Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso nito.
***
Source: Elite Readers