Matapos umere ang isang recent episode ng Pinoy Big Brother Teen Edition, pinutakte ito ng kabi-kabilang pambabatikos sa ilang kabataang housemates dahil sa mali-maling sagot ng mga ito sa isang challenge na kinaharap nila sa bahay ni kuya.
Kamakailan lamang ay naging tampulan ng tawanan ang recent episode ng PBB. Sumalang sa tila isang quiz bee ang ilang housemates sa PBB house kung saan si Robi Domingo ang naging host ng naturang episode. Karamihan sa mga tanong na ibinato sa mga batang housemates ay halos umikot sa kasaysayan ng bansa. Ilan sa mga ito ay tungkol sa ating mga bayani na sina Gregorio Del Pilar, Dr. Jose Rizal, Melchora Aquino at maging ang Gomburza.
Dahil dito, kaliwa’t kanan ang batikos na ibinato ng netizens sa mga batang housemates dulot ng mistulang pagiging ignorante ng mga ito sa mga bagay na inaasahang alam ng mga pinoy na nasa edad katulad nila.
Ang ilang galit na netizens ay sinisi ang kalidad ng edukasyon sa bansa na syang naging dahilan umano kung bakit hindi mulat sa kasaysayan ang mga kabataan ngayon. Ngunit ang iba ay natawa na lamang at kinaawan ang mga nasabing housemates.
Subalit taliwas sa naging reaksyon ng karamihan ang naging punto ng isang Muslim na guro mula sa Sultan Kudarat. Sa kanyang Facebook post, inihayag nya ang kanyang saloobin sa pag-bash ng netizens sa mga nabanggit na teen housemates. Doon ay idinetalye rin nya ang mga dahilan kung bakit ganoon ang klase ng mga kabataan na mayroon tayo ngayon.
Narito ang kanyang Facebook post:
Before you judge, know first the background of the teen housemates. May Hm(housemate) na ALS graduate dahil hirap mag balance ng time sa training (work) at formal schooling (possible na hindi ganun natutok sa lessons) kasi breadwinner siya at may cancer ang tatay niya. Majority sa kanila ay hindi puro pilipino (half-breed) and hindi sa Pilipinas nag-aaral, obviously wala silang kaalam-alam. May hm na dahil sa broken family, lulubog lilitaw sa klase so anong iniexpect natin?May hm na every year lilipat naman ng ibang bansa para doon manirahan, so ibang environment naman ang napag aaralan. May hm na sa kanyang murang edad, hindj pag aaral ang inatupag kundi ang hanapin ang tatay niya kung saan2x dahil gabi2x umiiyak ang nanay niya (broken family pa rin), instead na mag school, tatay ang hinahanap.
May hm rin talagang pinagpala, nakatutok sa eskwela, at napalaki ng may mga magulang na gumabay (ito sila ang mga mahusay sumagot pero hindi sila ang nakasalang at no coaching sila during the activity sa episode na ito). In short, hindi natin sila masisi na hindi or mali ang mga naisagot at mas lalong hindi maaring sisihin ang mga naging guro nila or ang sistema ng edukasyon dahil hindi natin(ninyo) alam kung anong meron sa mga batang iyan at kung anong katayuan sa buhay meron sila, at kung saan ito sila galing na school kasi maaring walang Philippine Lit./History na natackle sa kanila. SKL.
Manood ka nalang ng episode 1-present episode ng PBB S10 Teen Edition para maintindihan mo ang kwento ng bawat housemate.
-end of post-
Ilan lamang sa mga naging mali ng teen housemates ay ang pagsagot ng Intramuros imbes na Baguio City, "Nanay ng bansa" imbes na Tandang Sora, at Majoha sa halip na Gomburza.