Dahil sa "kwek-kwek" at manok, mag-asawang tindera may sariling lupa at kotse na! - The Daily Sentry


Dahil sa "kwek-kwek" at manok, mag-asawang tindera may sariling lupa at kotse na!



Sino nga naman ang mag-aakala na nang dahil sa pagtitinda ng pagkaing kalye o "street foods" ay magkakaroon ng sariling kotse at lupa ang isang mag asawa mula Tiwi, Albay.

Sa pagbabahagi ni Tricxie Camu Rungasa sa kanyang Facebook account ukol sa naipundar nito mula sa pagbebenta ng kwek-kwek at kung anu-ano pang tusok-tusok, maraming netizens ang tumingala at tila napa-palakpak.




Taas noo nitong ipinagmalaki ang kanilang naipundar na lupa at sasakyan, na siya umanong naging bunga ng kanilang pagsusumikap at patuloy na pagtitiwala na makamit ang kanilang mga pangarap.

Inspirasyon din umano nila sa kanilang pagiging masinop at matipid ang tanyag financial adviser na si Chinkee Tan na talaga namang kanilang pinasasalamatan dahil sa mga epektibong mga payo nito pagdating sa tamang paghawak ng pera.

Tricxie Camu Rangasa | Facebook

Tricxie Camu Rangasa | Facebook


Narito ang naging pahayag ng pasa salamat ni Tricxie:

"Hello po Mr Chinkee Tan..nag umpisa po kmi sa pag tinda Ng kwekwek,fish ball,kikiam at kalaunan nadagdagan po Ng fried (chicken) sa lagi ko pong panunuod Ng mga videos at book mo about sa pag iipon nainspired po kmi mag Asawa na Lalo pa mag sumikap pra maabot Ang Aming munting pangarap.."

Tricxie Camu Rangasa | Facebook

Tricxie Camu Rangasa | Facebook


"Yan po Ang mga naipundar Namin sa awa Ng Diyos..Kya nagpapasalamat po Ako sainyo dhil sa pamamagitan Ng mga books nyo at videos natulungan kmi magpursige lalo ...thank u po"

- Tricxie Camu Rangasa

Umaani sa ngayon ng 18k na reaksyon mula sa mga na-inspire na netizens ang post tungkol sa tagumpay ni Tricxie. Sinang-ayunan din naman ito ng ilang mga street vendor na nakapagpundar din dahil sa pagtitiyaga sa kani-kanilang munting negosyo.

Tricxie Camu Rangasa | Facebook

Tricxie Camu Rangasa | Facebook