Babaeng nanalo sa Mega Lotto ng P62.7-M, napanaginipan ang mga tinayaang numero - The Daily Sentry


Babaeng nanalo sa Mega Lotto ng P62.7-M, napanaginipan ang mga tinayaang numero



 




Isang ma-swerteng mananaya ng Mega Lotto mula sa Baguio City ang nag kubra ng kanyang panalo na nagkakahalagang mahigit P62.7 milyon jackpot prize sa draw noong Pebrero 18, 2022.


Isang babae ang nanalo, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, na ayon sa kanya ay napanaginipan niya ang mga numerong kaniyang tinayaan na 04-06-16-29-30-31.



Marami ang nagsasabi na kapag nanaginip ng mga numero at kung ito ay iyong matatandaan, dapat itaya mo ito sa Lotto dahil maaaring ito ang swerte mo.


Ayon sa babae, 18 taon na siyang tumataya ng Lotto at baka sakaling isang araw ay palarin na manalo ng Jackpot prize.


Nang tanungin kung ano ang kanyang plano sa perang napanalunan, pahayag niya; “Mag-i-invest ako sa isang maliit na property,”


Maliban dito ay ibabahagi din niya sa pamamagitan ng pagtulong sa iba ang nakamit na biyaya.


Noong Enero naman ay isang lolo na taga Leyte ang naging instant milyonaro matapos na manalo sa lotto na P142 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49.


Nahulaan naman daw ni lolo ang Super Lotto winning 6/49 numbers na 02-05-04-31-01-46, na kanyang nakubra noong Enero 27 sa PCSO central office sa Mandaluyong.*





Si lolo naman ay regular ding tumataya ng Lotto sa loob ng labinlimang taon. At ayon sa kanya, ang perang napanalunan ay kanyang gagamitin para makabili ng mga ari-arian na para sa kanyang mga anak.


At para hindi mawalan ng kita ay mag-iinvest din si lolo sa maliit na negosyo at sariling Lotto outlet.


Kamakailan naman ay inulat ng PCSO na tatlo sa mga tumama sa mga lotto draw ay hindi pa nakukuha ang kanilang premyo hanggang ngayon na may kabuuang P98 milyon sa magkakahiwalay na draw.



Dalawa sa mga ito ay nanalo noong Hulyo 2021 pa, kaya nanawagan ang ahensya na kunin na ito ng mga bettors hanggang Hulyo 26, 2022 dahil maaari itong ma-forfeit.




Nilinaw ni Arnel Casas, PCSO officer-in-charge general manager at Assistant Manager ng Management Services Sector na hindi maaaring i-claim ang premyo kung nawala ang winning tickets.