66-anyos na senior citizen, tatlong beses hinagupit ng 'Baseball Bat' dahil umano sa away-trapiko. - The Daily Sentry


66-anyos na senior citizen, tatlong beses hinagupit ng 'Baseball Bat' dahil umano sa away-trapiko.



Viral ngayon ang paghataw ng isang lalaki sa isang matandang naka motor gamit ang baseball bat sa Las Piñas dahil umano sa away-trapiko.

Nakunan ng video ang girian ng dalawa sa kalagitnan ng kalye ng Talon Cinco, Las Piñas City hanggang sa umabot ang pagtatalong ito sa paghampas ng lalaki sa matanda.




Isang matipunong lalaki ang namataang tila sinisigawan ang matandang naka helmet ngunit panandaliang lumayo ito matapos ambahang hahamapasin ng baseball bat ang senior citizen.

Pagkalayo nito ay kita namang balak tanggalin ng matanda ang plaka ng sasakyan ng lalaking may pamalo kaya mabilis itong bumalik para hawiin ang matanda at dito na nagsimulang magbigay ng tatlong palo ang matipunong lalaki.

Sheila May Navarro | Facebook

Sheila May Navarro | Facebook


Bagsak ang matanda ngunit bumangon ito kaagad. Naglapitan naman ang mga tao sa paligid upang awatin ang dalawa ngunit bago umalis ang mga lalaking naka sasakyan ay bumawi naman ng hampas ng kanyang helmet ang matanda sa oto ng mga hindi napangalangang mga kalalakihan.

Ang senior citizen naman ay kinilalang si Julian Adlao, 66 taong gulang. Ayon sa panayam ng GMA News, papunta raw ito noong mga oras na iyon sa garahe ng jeep na kanyang ginagamit pampasada.

Sheila May Navarro | Facebook

Sheila May Navarro | Facebook


Nagalit raw ang lalaki sa sasakyan dahil sa kanyang pag busina hanggang sa parehong huminto ang dalawa at nagsimulang mag bangayan.

Tinangka pa raw niyang habulin ang mga ito gamit ang kanyang motorsiklo habang iniinda ang tama sa kanyang ulo at braso.

"Salamat ako sa Panginoon, naka helmet lang ako. Buhay pa ako..... lumipad yung helmet ko! Kung wala ako naka-helmet... wala.."

Sheila May Navarro | Facebook

Sheila May Navarro | Facebook


Nakapanayam din ng istasyon ang anak ni tatay Julian at gaya ng inaasahan ay galit nitong sinabi na matanda na ang kanyang ama, bakit hindi na lang pinag pasensiyahan.

"Ang tanda tanda na ng tatay ko senior na ang tatay ko hindi niyo man lang pinagpasensiyahan, ang laki-laki ng katawan mo eh!"

Inamin naman ng senior citizen na naka-inom ito ngunit nasa katinuan naman nong mga oras raw na 'yon.

Nagkaharap ang dalawang panig sa tulong ng pamunuang trapiko ng Las Piñas ngunit hindi umano nagkasundo ang dalawa sa usapan kaya tuloy ang paghabla ni Tatay Julian sa lalaking nang hampas sa kanya.

Sa ngayon ay minabuti niyang ipasuri ang mga natamo nitong tama habang dumadaan sa proseso ng reklamo.
 
Sinubukan namang puntahan ng GMA ang address ng lalaking matipuno ang katawan ngunit wala ito sa nasabing lugar.




Source: GMA News