Sa isang ordinaryong tao, gaano katagal sa tingin niyo bago ito makaipon o magkaroon ng isang milyon? Para sa isang 25-year old na babae, inabot lang naman siya ng siyam na buwan. Paano niya kaya ito nagawa?
Photo credit: Abigail Urquiola
Kung tutuusin ay napakabata pa ni Abigail Urquiola at baguhan pa lamang sa pagnenegosyo. Ngunit mukhang alam na alam niya ang mga dapat niyang gawin, kaya naman inabot lang ng 9 months bago siya nakaipon ng P1 million dahil sa online business.
Si Abigail ay isang licensed radiologic technologist ngunit mas pinili niyang maging entrepreneur. Sa ngayon ay mina-manage niya ang kanyang sariling franchise business.
Kahit na wala siyang background sa pagbi-business, sinubukan pa rin niya at pinaghirapang matuto sa pagnenegosyo.
Si Abigail ay mula sa pamilyang Overseas Filipino Workers (OFW), gayunpaman, nagdesisyon siyang huwag umalis ng bansa. Aniya, mas gugustuhin niyang magkapahirap na magtrabaho dito sa Pilipinas kasya sa ibang bansa.
“Eh lalakasan ko rin naman ang loob ko para pumunta ng ibang bansa, why not lakasan ko rin ang loob ko dito at mag-online business ako? Kahit na wala akong background sa business.”
Napakaswerte rin ni Abigail dahil nakuha niya ang gabay at suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Nagpasalamat din siya sa kanyang pinsan na talagang ginabayan siya.
“My cousin told me that she'll guide me. I’m very thankful for that,” sabi ni Abigail.
Kwento niya, nag-resign siya sa pinapasukang hospital tatlong buwan bago niya i-launced ang kanyang business upang makapag focus siya.
Photo credit: Abigail Urquiola
Photo credit: Abigail Urquiola
Photo credit: Abigail Urquiola
Paliwanag ni Abigail, maganda raw na food business ang inuuna sa pagnenegosyo.
“Kapag ang negosyo mo kasi ay pagkain, you can never go wrong talaga kasi lahat ng tao nagugutom.”
Ang kinaganda rin ng business ni Abigail ay hindi na niya kailangang magrenta dahil sa mismong bahay nila ang lokasyon ng kanyang business. Wala rin siyang staff dahil very hands-on siya sa kanyang negosyo.
“So lahat ng income, yung net noon, sa akin,” masayang pagkekwento ni Abigail.
Photo credit: Abigail Urquiola
Photo credit: Abigail Urquiola
Noong March 2021, nakatanggap ng recognition si Abigail matapos niyang malagpasan ang million-peso sales mark.
Bumili siya ng sasakyan at ang pangarap ng kanyang nanay na washing machine.
“May matutunan ka sa mga failures, sa mga challenges, sa mga success.”
***
Source: Infoflexed