Will Smith, sinampal ang host ng Oscars 2022 na si Chris Rock dahil sa di magandang biro nito tungkol sa karamdaman ng asawa - The Daily Sentry


Will Smith, sinampal ang host ng Oscars 2022 na si Chris Rock dahil sa di magandang biro nito tungkol sa karamdaman ng asawa




 


Laman ng social media ngayon ang insidente kung saan ay sinampal ng beteranong aktor na si Will Smith ang komedyanteng si Chris Rock sa 94th Academy Awards.



Nangyari ang pagsampal ni Will kay Chris nang magbiro ang huli ukol sa alopecia o hair loss ni Jada Pinkett Smith, asawa ni Will.


Matapos marinig ang biro tungkol kay Jada ay umakyat sa entablado si Will at sinampal si Chris, na host ng Oscars 2022.




At pagbalik sa upuan niya, sumigaw si Will na huwag idamay ang asawa niya na may medical condition sa biro ng host.


Hati naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa insidente, may mga nagsasabing dapat ay kasuhan ni Chris si Will dahil sa ginawa nito sa kanya. Ang iba naman ay pabor sa ginawa ng aktor sa host dahil ipinagtanggol lamang ni Will ang kanyang asawa na may karamdaman.


Nagwagi naman si Will ng Best Actor award sa nasabing Academy Awards dahil sa kanyang pag ganap sa drama movie na “King Richard.”


Sa kanyang acceptance speech ay humingi ng paumanhin si Will sa Academy at sa kanyang mga kapwa best actor nominees ngunit hindi niya binanggit ang pangalan ni Chris.*




“I want to apologize to the Academy. I want to apologize to all my fellow nominees. This is a beautiful moment and I’m not crying for winning an award. It’s not about winning an award for me. It’s about being able to shine a light on all of the people. Tim and Trevor and Zack and Saniyya and Demi and Aunjanue and the entire cast and crew of ‘King Richard,’ Venus and Serena, the entire Williams family. Art imitates life. I look like the crazy father, just like they said about Richard Williams,” ayon sa kanyang talumpati



(“Gusto kong humingi ng tawad sa Academy. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng kapwa ko nominado. Ito ay isang magandang sandali at hindi ako umiiyak dahil sa pagkakapanalo ko ng award. Hindi ito tungkol sa pagkapanalo ng award para sa akin. Ito ay tungkol sa kakayahang magbigay ng liwanag sa lahat ng tao. Sina Tim at Trevor at Zack at Saniyya at Demi at Aunjanue at ang buong cast at crew ng 'King Richard,' Venus at Serena, ang buong pamilya Williams. Ginagaya ng sining ang buhay. Para akong baliw na ama, tulad ng sinabi nila tungkol kay Richard Williams,”)