Matapos ang pagsama sa kampanya ng kanyang asawa na si Kiko
Pangilinan para sa Leni-Kiko tandem ng Kakampink ay balik taping na muli sa Megastar
Sharon Cuneta.
Sa kanyang latest Instagram post ay kumpiramadong balik taping
na ang aktres para sa teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, na aniya ay
itinuturing niyang ‘comfort zone next to home’.
Kasama ni Sharon sa taping ang iba pang mga batikang artista
tulad nina Lorna Tolentino, John Estrada, Angel Aquino, Shaina Magdayao,
Raymart Santiago, at ang bida at direktor na si Coco Martin.
Aniya, ito ang kanyang pamilya kapag siya ay nasa trabaho.
“My comfort zone next to home with my husband and
children…This is my world…This is my family at work…I do not want to be
anywhere else but with my #fpjsangprobinsyano family (aside from my own),” ayon
sa kanyang caption
At kapag kasama niya ang mga katrabaho sa set ay masaya raw
siya at mahal siya ng mga ito.
“Here, with them, I am happy. I am safe. I am loved.” Ayon pa
kay Sharon
Kamakailan lang ay laman ng social media si Sharon dahil sa pagkaimbyerna
niya nang kantahin ni senatorial aspirant Salvador “Sal” Panelo ang ‘Sana’y
Wala Nang Wakas’ sa isang event, na isa sa mga sumikat na kanta ng aktres.
Larawan mula sa Instagram |
“WHY?!!!Tell me WHY?!!! I gotta fight for my song’s rights
as well as Willy Cruz’s who wrote it! Cannot be. Di dapat sinisira ang isang
classic. Basta TAYO ANG AT MAY ORIG! Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE
OUR SONG! Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya,” tweet ni
Sharon noong Marso 10.
Humingi pa ng dispensa si Panelo at ipinaliwanag na wala pa
man ang eleksyon at kinakanta na niya ang nasabing classic song ni Sharon, dahil
sa kantang ito ay naalala niya ang kanyang yumaong anak na may Down Syndrome.
Aniya pa, siya ay isang certified na Sharonian.
Larawan mula sa Twitter/Facebook |
Dahil dito ay inulan ng mga batikos si Sharon mula sa mga
netizens kasama na ang kanyang mga fans. Kalaunan ay binura ng aktres ang
kanyang kontrobersyal na post.