Seller ng kakaibang pastillas, ibinahagi kung paano siya kumikita ng halos P300k kada-linggo - The Daily Sentry


Seller ng kakaibang pastillas, ibinahagi kung paano siya kumikita ng halos P300k kada-linggo



Pastillas business na P300,000 kada-linggo ang kita?

Hindi talaga maitatago ang likas na diskarte ng mga Pinoy may kinakaharap mang pandemya o wala. Katulad na lamang ng nakaka-inspire na kwento ni Candy Esmundo kung paano naging matagumpay ang kanyang kakaibang pastillas business na hindi sumagi sa isip niya na magiging dahilan ng kanyang pag-asenso sa buhay.

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-21-57-PM

Kwento niya, nagsimula siya magbenta ng pastillas sa eskwelahan noong siya ay estudyante pa lamang. Bagaman nahihiya siya sa kanyang mga kaklase, nagpursigi pa din siyang ialok ang kanyang paninda dahil gusto niyang mabago ang kanyang buhay.

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-19-32-PM

Naging daan din ang pinagdaanang karanasan ng pamilya ni Candy upang magpursigi siya lalo sa pag-asenso matapos pumanaw ang kanyang lola nang hindi nila ito naipapagamot dahil na din sa kakulangan sa pera.

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-00-58-PM

"May sakit siya wala kaming pampagamot dahil nagsa-suffer din kami financially sa family. Isang bagay na ipinangako ko sa sarili ko na hindi na siya mauulit. Kasi ang hirap na nakikita mo na nawawala yung tao na mahal mo nang wala kang perang pampagamot," pahayag niya.



Paano nga ba siya kumita ng halos P300,000 kada-linggo?

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-17-53-PM

Bago pa man magumpisa ang pandemya, ginawa nang negosyo ni Candy ang pastillas at unti-unti itong umarangkada.

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-19-22-PM

Bukod sa sarap ng kanyang pastillas, pumatok ang kanyang negosyo dahil na din sa kaengga-engganyo disenyo ng kanyang produkto.

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-02-51-PM
Screen-Shot-2022-03-08-at-3-19-55-PM
Burger and Plants designs
Screen-Shot-2022-03-08-at-3-01-09-PM
Street food designs
Screen-Shot-2022-03-08-at-3-19-44-PM
Sushi designs

Pangkaraniwan, bilog ang disenyo ng mga pastillas, ngunit binigyan ni Candy ng kakaibang twist ang kanyang produkto sa pamamagitan ng paggawa ng pastillas na tulad ng pizza, hotdog, street food design, Japanese/Korean food at marami pang iba.

Dahil sa paglago ng kanyang negosyo, nakatulong si Candy sa kanyang pamilya. Bukod pa rito, nakapagpatayo siya ng sariling bahay, mayroon din siyang sariling opisina at sasakyan. Higit sa lahat, nakapagbigay siya ng oportunidad sa iba sa pamamagitan ng hanapbuhay na pinagkakitaan niya.

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-04-35-PM
Ang napatayong bahay ni Candy

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-17-23-PM

Screen-Shot-2022-03-08-at-3-05-16-PM

Source: 1