PAY IT FORWARD: Good samaritan sekretong tinulungan ang estudyanteng kulang ang perang pamasahe - The Daily Sentry


PAY IT FORWARD: Good samaritan sekretong tinulungan ang estudyanteng kulang ang perang pamasahe




Patok sa social media ngayon ang isang karanasan ng estudyante na namomroblema dahil tanging huling P100 na lang ang natitira sa kanyang bulsa matapos niyang ibili ng ticket pamasahe sa barko ang kanyang natitirang allowance. 


Ibinahagi ni Mark Napallacan ang hindi malilimutang yugto ng kanyang buhay dahil sa hindi inaasahang pangyayari at sa pag-aakalang mawawalan na siya ng magagamit na pera para pamasahe habang nakasakay sa isang commercial shipping line mula Cebu City papuntang Hilongos Leyte. 


Habang nasa barko, hindi na alam ni Mark ang gagawin kung saan pa kukuha ng pera para pamasahe niya mula Hilongos papuntang Palo Leyte, kung saan doon siya nangungupahan upang makasagap ng internet para sa kanyang online classes. 



Agad tinawagan nito ang kanyang Ina upang ipaalam ang kanyang sitwasyon at sa 'di inaasahan pagkakataon may isang may mabuting kalooban na kasama niyang pasahero sa barko ang 'di sadyang narinig ang pag-uusap nilang mag-Ina sa telepono. 




"I was on the phone with my mom, i told her i only have 100 pesos left on my wallet. I went outside the tourist accommodation to get some air," saad ni Mark sa kanyang post.


At malaking gulat niya nang makita ang naka-ipit na P1000 sa isang tissue paper na nakapatong kung saan siya mismo nakapwesto. 


"Suddenly a passenger on Roble Shipping overheard our conversation and when i came back i saw one thousand pesos bill on my bed (1,000),"





Nagpakilala ang good samaritan na ito na si Pia at nag-iwan rin ito ng mensahe na nakasulat sa tissue na "PAY IT FORWARD". Humingi rin ito ng pasensya dahil sa narinig niya ang pinag-uusapan nila ni Mark at ng kanyang Ina. 


Malaki ang pasasalamat na ipinapaabot ni Mark sa taong hindi niya kilala pero ramdam niya ang taos pusong nitong pagtulong sa kanya.


"Miss pia, if you’re reading this idk how to thank you 🥺 bless you always,"


"Ps: if this post blows out ill be able to thank miss pia through chat 🥺,"



Kahit pa man sa hirap ng panahon at sa mga pagsubok sa buhay, marami paring mga tao ang may malaking puso na handang tumulong sa iba na hindi naghahangad ng anumang kapalit. 


Kaya handa rin si Mark na ibalik ang kabutihan na kanyang natanggap mula sa taong 'di niya kilala.


"Dito ko narealize na meron pa talagang mga good people dito sa mundo. Nararapat na tayo'y tumulong sa mga taong nangangailangan. Kaya kung ako naman ang makaka-encounter kagaya ng naranasan ko o di kaya'y mas worst pa, magbibigay din ako kahit maliit na halaga lang," 


"Mixed emotions ang aking nararamdaman na hindi ko maintindihan. Na touch ako sa nagbigay,"


Umani ng maraming papuri ang naturang post ni Mark mula sa mga netizen na nakakabasa nito hanggang umabot ito sa taong nasa likod ng kanyang pagpapasalamat na kinikilalang si Pia Angela Taotao.






"Hello, dong! I’m very happy to help. Just remember that you don’t need much to help others. You just gotta start with the world you’ve got and I swear it comes back to you 100 fold gyud," 


Kasalukuyang kumukuha ng kursong Political Science si Mark sa University of San Carlos sa Cebu City. 


***

Source: Mark Napallacan

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!