Pambayad utang na P300k ni Juliana Parizcova Segovia, sobra-sobra pa dahil sa ambagan ng UNITEAM supporters - The Daily Sentry


Pambayad utang na P300k ni Juliana Parizcova Segovia, sobra-sobra pa dahil sa ambagan ng UNITEAM supporters



Mabilis na kumalat sa social media ang screenshot ng umano’y mga utang ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia na aabot sa ₱300K, na matagal na umano niyang pinoproblema noon pang 2021.
Photo credit: PEP

Nag-viral din sa Facebook ang post ni Juliana kung saan kinastigo niya ang isang dating kaibigan na napagkuwentuhan niya ng kanyang utang.

Ipinost kasi ng dating kaibigan ang screenshot ng kanilang lumang conversation sa Facebook messenger, kung saan makikita ang computation ni Juliana sa kaniyang mga utang, na hindi niya alam kung papaano mababayaran.
Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Sa kanyang Facebook post, naglabas ng opisyal na pahayag si Juliana.

Magandang Gabi po sa inyong lahat, bagama’t ang inyong lingkod po ay hindi na naaapektuhan ng kaliwa’t kanang pang-aalipusta mula nang ako ay nagpahayag ng pagsuporta sa #UniTeam at lumabas sa mga Viral Videos ng #Vincentiments, ako po ay nagpasyang huwag palampasin ang isyung ito dahil sa mga teknikalidad na bumabalot at nakakabit sa post na walang ibang layon kundi ang ako ay ipahiya,” panimula ni Juliana.

Hindi ko po ikinahihiya na simula noong pandemic, ang akin pong pamilya ay nabaon sa utang dahil sa kawalan ng pinagkukuhanan ng panggastos bunga ng kawalan ng trabaho; kasabay po nito ay hindi ko rin masingil ang mga taong nagkakautang din sa akin dahil pare-parehas po tayo ng pinagdadaanan.”
Juliana / Photo credit to the owner
Juliana / Photo credit to the owner

“Ikinahihiya ko po ba ang yugto ng buhay kong ito? Hindi po. Alam kong halos lahat, kundi man lahat ay tunay na pinadapa ng pandemya.

Napilitan umanong magsalita si Juliana dahil pati ang kaniyang nananahimik na ina ay nadamay na rin.
Nakatanggap rin daw siya ng masasakit na salita dahil makikita sa screenshot ang numero ng kaniyang cellphone.

Ikinararangal ko pong hindi ang pagsama ko sa UniTeam ang dahilan kaya ako nakapagbayad sa iilan, hindi ko rin ide-deny at alam ito ng Viva, na ang sweldo ko po sa mga pelikula ay derechong nakabawas sa lahat ng mga ito. Gayunpaman, kalabisan na siguro na hindi man lamang binura ang pangalan ng aking ina at kanyang personal na numero ng telepono; at ngayon ay hindi pinatatahimik ng mga kaugali ng nag-post laban sa akin; hindi lamang traydor kundi walang modong piniling ipaalipusta ang malungkot na bahagi ng buhay ng isang tao at lapastanganin ang kanyang ina; para lamang makaganti, dahil hindi kayang tapatan ng content ang content ng kaibigang minsang naging mabuting tao sa kanila at nagkataon lamang na magkaiba ang pulitikal na desisyon.”
Juliana / Photo credit to the owner

“Ako po ay Nagtatrabaho, Ako po ay Pilipino, may Kalayaan at Karapatan at hindi kayang sirain ng mga hakbang ng mga taong matagal nang sinira ang kanilang sarili, sa ngalan ng inggit, galit at kawalan ng batong maipukol sa gusto nilang masaktan.

“Magandang Gabi po muling, lalo na sa mga makakaharap ko sa darating na mga araw. Salamat. FYI: 2021 ang convo na ‘yan.”



Samantala, ang writer at social media influencer na si Krizette Laureta Chu ay nagsagawa ng fund-raising activity sa Facebook upang matulungan si Juliana.

Sa loob lamang ng halos tatlong oras ay nakalikom na si Juliana ng PHP187K sa GCash at PHP50K sa kanyang bank account.
Photo credit: Krizette Laureta Chu

Nagpasalamat naman si Juliana sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa kaniya.

Umaapaw ang puso ko ng pasasalamat at pagmamahal mula sa mga supporters ng #UniTeam after that viral post (300k debt issue) ang dami nahingi ng GCash number ko para mag-ambagan,” sabi ni Juliana.

Pagkalipas ng halos isang araw ay lumagpas na sa P300k ang naipong tulong ni Juliana mula sa netizens.

Ayon kay Juliana, nakalikom na siya sa GCash ng PHP248K at sa kanyang bank account naman ay may pumasok ditong PHP67K.

Sobra-sobra naman ang pagpapasalamat ni Juliana kay Krizette na nagpasimuno ng ambagan.

Sobrang salamat po talaga sa inyong lahat… kung dumating man ang araw na ako naman ang may kapasidad na makatulong asahan po ninyo na ibabalik ko ang kabutihang ginawa ninyo sa akin.”
Photo credit: Krizette Laureta Chu


***
Source: Balita