Pambabastos ng bus driver at kundoktor sa isang babae, viral sa social media - The Daily Sentry


Pambabastos ng bus driver at kundoktor sa isang babae, viral sa social media



Mabilis na nag-viral sa social media ang Facebook post ng netizen na binastos at hinarass umano ng driver at konduktor ng bus na byaheng Cubao.
Abby Nicasio Bautista / Photo credit from her Facebook account

Kwento ni Abby Nicasio Bautista, galing siya ng Guadalupe at sumakay ng bus byaheng Cubao, pagka-upo pa lang daw niya ay tinabihan na agad siya ng konduktor.

Pagdating ng Santolan ay bumaba ang mga pasahero at doon na raw siya pinilit ng driver at konduktor na sumama sa kanila.

Hindi rin daw siya ibinaba sa Cubao at idiniretso ng driver sa Quezon City ang byahe.

Diretso daw kami ng monumento saglit lang daw,” sabi ni Abby.

Gusto sanang humingi ng saklolo ng netizen sa pamamagitan ng pagtawag o pagtext ngunit hindi niya magawa dahil nasa tabi niya ang konduktor.
Abby Nicasio Bautista / Photo credit from her Facebook account
Abby Nicasio Bautista / Photo credit from her Facebook account

“Nanginginig nako sa sobrang takot hindi ako makapagtext o call sa kahit sino sa contacts ko dahil katabi ko sya.”

Dun narin nag-start na hawak hawakan nya ko,” dagdag ni Abby.

Pagdating nila sa QMART ay may mga pasaherong sasakay kaya tumigil ang bus, doon na nakahanap ng tyempo si Abby na humingi ng tulong sa babaeng tumabi sa kanya.

“Sa sobrang takot ko nanginginig ako nagtype sa phone ko para ipakita sa katabi ko na babae. Nanlaki mata nya tas nung nakarating na kami sa bababaan nya, hinawakan nya ko sa kamay tas pinauna nya ko bumaba,” kwento ng nakakaawang netizen.

Tinawag pa raw siya ng konduktor pagkababa niya ngunit hindi na siya lumingon at tumakbo na lamang papalayo habang umiiyak.

Sa huli ay nagbigay ng paalala si Abby sa mga kapwa niya babae na mag-ingat sa mga many*k na katulad ng bus driver at konduktor.

Basahin ang buong kwento ni Abby sa ibaba:

“6pm. Galing ako ng Guadalupe. Sumakay nalang ako ng bus since mababa potassium ko panay hagdan sa may MRT syempre mahirap humakbang mahina tuhod ko. Sumakay ako ng bus pa-Cubao. Pag upong pag-upo ko, tinabihan ako nung konduktor. Pagdating ng Santolan dun na nya ko kinausap tsaka nung driver since bumaba lahat nung pasahero. Pinipilit nila ko sumama sakanila. Dapat bababa ako sa Cubao, pero di sila tumigil don. Diniretso nila ko ng QC. At dun na nila ko pinilit sumama sakanila. Diretso daw kami ng monumento saglit lang daw. Nanginginig nako sa sobrang takot hindi ako makapagtext o call sa kahit sino sa contacts ko dahil katabi ko sya. Dun narin nag-start na hawak hawakan nya ko.

Di ako makagalaw sa takot. Dalawang lalaki yon tapos humaharurot pa yung bus. Tas sabi wag na daw ako umuwi, mas masaya daw sila kasama. To think na,16 years old yung tingin nya sakin tapos ganon sya kabastos. 7pm, nakarating na kami sa QMART. May pulis at may mga nakapila pasahero kaya no choice sila kailangan nila magpasakay. Tumayo saglit yung konduktor tapos yung babae na sumakay tumabi sakin. Sa sobrang takot ko nanginginig ako nagtype sa phone ko para ipakita sa katabi ko na babae (3rd pic). Nanlaki mata nya tas nung nakarating na kami sa bababaan nya, hinawakan nya ko sa kamay tas pinauna nya ko bumaba. (Thankyou ate kung sino ka man.) Pagbabang pagbaba ko bumaba din yung konduktor tinatawag ako. Iyak ako ng iyak pagbaba ko. Di na ko lumingon takbo nako agad makalayo lang sa bus nayon. Diko na natingnan yung plate number. 

Sa mga babae jan na bumabyahe ingat po tayo kahit saan lugar. Lakasan nyo loob nyo. Kahit saan maraming manyak. Kung ano man suot mo, payat ka man o mataba, matanda o bata, wala kang ligtas sa mga mata ng manyak. Kaya doble ingat din po kayo kung maaari wag kayo bumyahe ng mag-isa”


***