Netizen na kinutya at ininsulto ng mga kakampink dahil sa pag suporta kay BBM, naglabas ng saloobin - The Daily Sentry


Netizen na kinutya at ininsulto ng mga kakampink dahil sa pag suporta kay BBM, naglabas ng saloobin



Dahil sa nalalapit na presidential elections, naging mainit na usapin sa social media ang patungkol sa mga susuportahang kandidato ng bawat Pilipino.
Photo credit to the owner

Nagkakaroon ng matinding diskusyon at kung minsan ay nagiging dahilan ng away ng magkaibigan o magkapamilya kapag magkaiba ang kanilang napupusuang maging bagong pangulo ng bansa.

Ang mga supporters nina Vice President Leni Robredo at dating senador Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. ang madalas nagkakaroon ng bangayan sa social media.

Samantala, isang netizen na may kapansanan ang kamakailan ay nilait at kinutya ng mga kakampink (supporters ni Robredo) dahil sa kanyang pagsuporta sa dating senador.

Si John Paul Pabalan ay isang PWD dahil bulag ang kanyang isang mata. 

Sa mga screenshots na kumalat sa social media, makikita kung paano insultuhin ng ilang supporters ni Robredo ang isang person with disability (PWD) dahil sa kanyang paniniwala sa pulitika.

Narito ang ilang screenshots:
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Naglabas naman ng saloobin si Pabalan matapos na mag-viral ang kanyang mga larawan. Aniya, hayaan nalang daw ang mga taong nanlalait sa kanya dahil hindi na mababago pa ang kanilang mga asal.

"Hayaan nyo na lang po sila hindi na natin mababago ang kanilang asal. Nagpapasalamat po tayo at maswerte narin kasi may magulang tayong tinuruan tayo ng magandang asal, paggalang at respeto sa pananaw at paniniwala ng ibang tao. Magkaiba man ang ating pananaw at paniniwala sa ating iboboto ang mahalaga wala tayong sinasaktan na tao kung edukado man ito o hindi at inaapakang tao kaibigan man natin o hindi. Marunong tayong gumalang at umunawa."
Photo credit to the owner


***
Source: Facebook