Mga larawan ng mga napalabang kababaihan sa tradisyonal na 'bouquet toss' sa isang kasalan sa Cebu, Viral! - The Daily Sentry


Mga larawan ng mga napalabang kababaihan sa tradisyonal na 'bouquet toss' sa isang kasalan sa Cebu, Viral!



Ang tradisyonal ng bouquet toss ay ang isa sa pinaka inaabangang parte sa isang kasalan. Daan-daang taon na ang binibilang mula nang magsimula ang tradisyon na ito at patuloy na isinasagawa sa paglipas ng panahon.

Sa tradisyong ito, inihahagis ng bride ang kaniyang bouquet ng naka talikod sa isang grupo ng mga kababaihan.




Bukod sa mga bridesmaids ay kasama rin sa hilera ng mga nakaabang ang mga dalagang bisita sa kasalan at pinaniniwalaan na kung sino man ang makasalo o makakuha ng bouquet ng bulaklak ay siyang "susunod" raw na ikakasal at maglalakad sa prestihiyosong dambana.

Kaya naman patok na patok sa mga netizens ang mga larawang kuha ni Babse Dondon mula sa isang kasalan sa Lapu Lapu City Cebu at kasalukuyang nagvi-viral ngayon sa Facebook at social media.

Babse Dondon | Facebook

Babse Dondon | Facebook


Huling huli kasi sa mga litrato kung paano napalaban sa pagkuha ng bouquet ang mga kababaihan sa kasalan. Sa sobrang determinado ng mga ito ay hindi sila basta bastang bumitaw sa pagkakahawak sa tumpok ng bulaklak.

Ayon sa Cebuanong photographer, “Yung bridesmaid is relative ng groom (blue gown). Si Anya yung natumba (beige stop). Matagal tagal na rin sila ng bf kaya gusto niya makuha ang bouquet. However si bridesmaid napaka determined din."

Babse Dondon | Facebook

Babse Dondon | Facebook


"Nung natumba na si Anya at nakita ni Harlene (Parang big sister niya) na dehado, doon na to the rescue si Harlene."

"Kaya nagka agawan. E mas pabor si Harlene sa grip, kaya nakuha. Pero hindi pa sumusuko si bridesmaid kaya hinarangan talaga niya yung bridesmaid,”

Aminado naman ang lahat na nagkakatuwaan lang sila at wala namang pikunan na nangyari sa naturang kasalan.

Babse Dondon | Facebook

Babse Dondon | Facebook