Mga itinatabing pera ng isang ginang na palaging nawawala, laking gulat ng matuklasang daga pala ang may sala. - The Daily Sentry


Mga itinatabing pera ng isang ginang na palaging nawawala, laking gulat ng matuklasang daga pala ang may sala.



Minsan sa ating buhay ay mayroong mga bagay na hindi talaga natin malaman o maalala kung saan natin nailagay. Ang nakakatuwa pa rito ay may pagkakataon na bigla na lang tayong maninisi sa di malamang dahilan ng pagkawala ng isang bagay.

Nariyan pa ang hinala na baka tayo ay pinaglalaruan ng mga namayapa o kung anong espiritu.




Pero ang totoong hindi natin maamin sa ating mga sarili, na minsan tayo ay may pagka-ulyanin na talaga.

Kaya naman isang pagmulat ng mata ang isang pangyayari na kung saan, isang ginang ang laging nawawalan ng pera na sadyang ikinabigla ng malaman nito kung sino ang salarin.

Sa kwentong ibinahagi ni Sherryl Anlap Tayhopon sa kaniyang Facebook account, natuklasan nito ang nakatutuwang dahilan ng pagkawala ng kaniyang mga ipon.

Sherryl Anlap Tayhopon | Facebook

Sherryl Anlap Tayhopon | Facebook


Aniya, lagi raw napapansin nito na unti unting nawawala ang kanyang iniipon na pera para sa mga bayarin sa eskwelahan ng mga bata.

Wala naman siyang mapagsuspetiyahan na kung sino ang kukuha nito dahil sila silang mag-anak lang naman ang nananalagi sa kanilang bahay.

Naisip pa nga nito na posibleng baka dahil sa kaniyang edad kaya nalilimutan na niya kung saan niya nailalagay ang mga ito.

Sherryl Anlap Tayhopon | Facebook

Sherryl Anlap Tayhopon | Facebook


Ilang araw daw umano na kinabahan at sumakit ang ulo ni Sherryl sa kakaisip dito. Hanggang sa isang araw ay napagpasyahan nito na sundan ang nakitang daga na umaaligid aligid sa kanilang tahanan.

Habang sinusundan ay isang bahagi ng pader na may butas sa kanilang bahay ang pinasukan nito hanggang sa tuluyan na itong nawala.

Upang mas malinaw na makita ang sulok na pinasukan ng daga ay minabuti ni Sherryl na ilawan ito.

Sherryl Anlap Tayhopon | Facebook

Sherryl Anlap Tayhopon | Facebook


Laking gulat niya na lang nang bumungad ang ilang pirasong perang papel sa likod ng pader.

Malakas ang kutob ng ginang na ito na ang mga hinahanap niyang pera kaya tinuklap nila ang bahaging ito at doon na nakita ang iba pang mga pera na mula P20 hanggang P1,000.

Umabot uamno ng mahigit P4,000 ang halaga ng mga nakuhang pera na tila ba kasabay niya ring nag iipon at gumawa ng sariling alkansya ang daga na naninirahan sa kanila.

Nasira man at nakagatan na ang ilan sa narekober na pera ni Sherryl ay malaki pa rin ang pasasalamat nito at natagpuan na ang kaniyang mga hinahanap at natapos na ang kanyang pangangamba sa palaisipang pagkawala ng pera nito.

Umaasa naman si Sherryl na sana'y mapalitan pa sa bangko ang ilang mga pirasong pera na nasira ng mabait na daga.