Magsasaka na nanalo ng lotto, niloko ng sariling kamag-anak - The Daily Sentry


Magsasaka na nanalo ng lotto, niloko ng sariling kamag-anak



Ang lahat sa atin ay nangangarap na guminhawa ang buhay at maitaguyod ang ating mga pamilya. Kaya naman kaliwa’t kanan ang ating pagpupursige sa trabaho at hanapbuhay.
Photo credit to the owner

Ngunit minsan sa kabila ng ating mga paghihirap at sakripisyo, hindi parin natin maabot ang ating mga pangarap sa buhay. Kaya naman ang ilan ay umaasa at nagbabakasakali na yumaman sa pagtataya sa lotto.

Samantala, madalas nating marinig ang kasabihang “malalaman mo ang ugali ng isang tao pagdating sa pera”. Ito ang napatunayan ng isang magsasakang pagkatapos manalo sa lotto ay niloko ng sariling kamag-anak.

Sina Ernie at Vergie ay mula sa mahirap na pamilya. Ngunit kahit na hindi sila mayaman ay nabiyayaan sila ng mabubuting mga anak. Kaya naman matindi ang sakripisyong ginagawa nila upang mabigyan ng mabuting kinabukasan ang kanilang mga anak.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Halos araw-araw ay tumataya sa lotto si Ernie at umaasang makukuha niya ang jackpot price. Para kay Ernie, ang pagtaya sa lotto ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa na balang araw ay mabibigyan niya ng maginhawang buhay ang kanyang asawa at mga anak.

Hindi naman nabigo si Ernie dahil dumating na ang araw na kanyang pinakaaasam. Napanalunan niya ang jackpot price sa lotto.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ayon sa article na SasaFeed, ‘no read no write’ umano si Ernie kaya nang bumili ito ng lotto ticket, ipinagkatiwala niya ito sa isa sa kanyang mga kamag-anak na si Angel.

Kaya nang manalo si Ernie sa lotto ay napunta ang pera kay Angel dahil sa kanya umano nakapangalan ang ticket. 

Tanging P900,000 ang natanggap nina Ernie at Vergie at ang ibang pera ay tinangay na ni Angel.

Simula noon ay hindi na muli pang nakita ni Ernie ang kanilang mga kamag-anak.

Maliban dito ay pinagbentahan din sila ng pekeng titulo ng iba pa nilang kamag-anak kaya naman mabilis ding nawala ang pera na kanilang napanalunan.
Photo credit to the owner

Sa kasalukuyan ay bumalik nalang ng Bicol ang mag-anak sa tulong na din ng kaniyang tiyahin. Doon ay nagsimula silang muli at patuloy na namuhay ng maayos. Samantala, ang huling balita na narinig nila patungkol sa mga taong nanloko sa kanila ay nagkaroon ito ng malubhang karamdaman.


***
Source: SasaFeed