Larawan ni Yolanda Romero mula sa PNA |
Karaniwan na dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga
Pilipino ay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya at makaahon sa
kahirapan.
Katulad nalang ng kwento ng Overseas Filipino Worker (OFW)
na si Yolanda Romero na tinawid ang halos kalahati ng mundo, upang mag trabaho
bilang manikurista sa Morocco, Africa.
Nagtrabaho si Yolanda sa isang salon sa Rabat at kalaunan ay
lumipat sa Moroccan port city ng Tangier.
Isang single mom, tiniis ni Yolanda ang hirap sa
pagtatrabaho sa ibang bansa kahit maliit lang ang suweldo dahil gusto niyang
makapagtapos ng pag-aaral ang dalawang anak na iniwan niya sa Pilipinas.
Umalis siya noong high school pa ang kanyang mga anak, pero
ngayon ay buong pagmamalaki niyang sinabi na nakatapos na ang dalawa sa
kolehiyo.
At hindi lang iyon, dahil ngayon ay siya na mismo ang amo.
Sa isang panayan sa Philippine News Agency (PNA), ibinahagi
ni Yolanda na iniwan niya ang kanyang dating amo noong nakaraang taon at
nagtayo ng isang maliit na salon sa kanyang inuupahang bahay.
Aniya, naakit ang kanyang mga dating kliyente na mag punta
sa kanyang salon at kumikita na siya ngayon ng triple kumpara sa kanyang dating
sweldo. *
"Ang kinikita ko noon sa salon maliit kumpara sa
ipinangako sa akin noong una kong pasok. Ngayon, salamat naman at ang kinikita
ko sa small business ko triple pa sa suweldo ko ngayon (I got meager pay
compared to what was initially promised to me. I'm thankful that now, my
earning is thrice higher than what I get from my previous employer)," ayon
kay Yolanda
"Mayroon na rin akong business ID. Direkta 'yong mga
kliyente ko kaya marami rin akong natutulungan kasi marami na talaga akong
kilalang Moroccan (Now I have a business ID, too. My clients visit me directly
that's why I'm also able to help other Filipinos because I know a lot of
Moroccans)," dagdag pa niya
Kwento pa ni Yolanda, ang mga Moroccan, sa pangkalahatan, ay
mabait at sibil na katrabaho, bihira umano siyang nakaka rinig ng reklamo tungkol
sa pang-aabuso sa mga migrante doon.
Gayunman, inamin ni Yolanda na napakahirap ng kanyang mga
unang taon sa ibang bansa.
"Isipin mo iniwan ko ang mga anak ko, nangutang ako sa
agency para sa PHP50,000 kasi wala akong perang pambayad. Sa pitong buwan
nagbabayad ako niyan, ang suweldo ko diretso sa agency. After that, two months
pa lang nakaka-sahod, nanay ko namatay (Imagine, I left my children, borrowed
money from my agency because I don't have money to shell out. Two months after
that, my mother died)," kwento niya *
At noong nakaraang taon ay nalaman niya na hindi pala
na-processo ng kanyang dating amo ang kanyang social security fund pagkatapos
ng 10 taon na pagtatrabaho sa kanila.
"Hindi ako binigyan ng papel, nagtiwala lang ako noon
at kumpyansa sa amo. Noong dumating 'yong pandemic doon ko nalaman na wala pala
akong CNSS (Caisse Nationale de Sécurité Sociale) o 'yong insurance nila (I
just trusted them but when the pandemic came, that's when we found out we don't
have a CNSS)," aniya
"Ngayon naawa ako sa mga taga-salon kasi naaalala ko
'yong buhay ko dati sa kanila. Ako noon kahit may sakit 'pag tinawagan ako
walang excuse, may client ka, gagawa ka pa rin kahit nahihilo ka o inaapoy ka
ng lagnat-- lahat 'yon pinagdaanan ko (I sympathize with my fellow Filipinos
working in the salon now because I could see myself in them. Back then, even
when I was sick, I don't have a choice but to clock in, you need to work even
if you're burning up with fever-- I went through all)," dagdag pa ng OFW
Tiniis umano ni Yolanda ang mga paghihirap na ito sa loob ng
maraming dahil hindi niya alam ang kanyang mga karapatan. *
"For how many years nagtiis ako nang ganoon kasi hindi
ko alam ang Morocco, wala pang Embassy noon para mahingan ng tulong (I endured
everything because I don't know Morocco, and at that time we don't have an
Embassy to turn to for help)," aniya pa
Ang mga Moroccans daw ay mababait naman ngunit mahigpit sila
pagdating sa pera.
"Talagang kawawa ang mga Pilipino noon kaya salamat
nalang at nagkaroon na ng Embassy dito, may malalapitan na kami hindi na
kawawa. Kaya 'pag may matinding problema mabilis kong naipapadala ang number ng
Labor (office) at tsaka number ng Embassy (The Filipinos back then were pitiful
that's why it's good that we opened the Embassy here. When there is a problem,
I can easily refer them to the Labor office or the Embassy)," kwento pa ni
Yolanda sa PNA
Kahit sa kanyang bagong tagumpay sa North Africa, sinabi ni
Yolanda na patuloy siyang magpupursige, sa pagkakataong ito para pondohan ang
itinatayo niyang bahay sa Pilipinas.
"Noong nasa Pilipinas, 17 years akong manikurista,
mahirap kumbaga dino-doble ko na 'yong kayod ko halos gawin ko nang araw 'yong
gabi pero ang kita hindi pa rin sapat. Thank God, ngayon nakatapos na 'yong
dalawang anak ko (When I was still in the Philippines, I worked for 17 years as
a manicurist, it's hard because even if I doubled my efforts, my income was not
enough. Thank God, my kids have finished their studies)," aniya