Marami ang na-alerto sa istoryang isinalaysay ng Facebook netizen na si David Soterio San Jose, matapos nitong maranasan ang nakakapandiring gawain ng mga kawatan sa isang pampublikong sasakyan.
Sa 'di inaasahang pagkakataon ay napuntirya ito ng mga masasamang loob nang minsa'y sumakay ng bus upang dalawin ang kanyang namayapang pinsan.
"July 18, 2018 was a special day as was it so. However, it was made more meaningful until this happened. First, I just want to give praise to Jesus for this. This was all His doing — he saved me!"
"Sumakay ako ng bus pauwi papuntang MOA at sasabay ako sa kuya ko to visit a cousin’s wake. So from Kamuning to MOA ang sinakyan ko. Nakaupo ako sa 2nd row, right side of the bus (near the bus entrance). All was well, nagbabasa ako ng card, until we reached a stop near Kabayan Hotel. Nagbaba si kuya ng mga pasahero at magsasakay din. Bago pa man makasakay ang mga sasakay, nagsabi si kuya driver sa ate na nasa unahan ko (1st row, right-most seat ng bus), “Itabi mo na ‘yung cellphone mo."
David Soterio San Jose | Facebook
"Then, a group of 5 medium-built guys hopped in from the stop. One sat beside me and immediately after he positioned himself, he screamed “shit ano ‘to?” I looked at his right arm to find out what was, and the other guy from the group pointed at my left shoulder. May laway sa balikat ko. Na-modus ako, pakiwari ko. Pero pag kasi nandun ka sa moment na ‘yun, kakabahan ka pa rin."
"I kept calm and just looked them in the eye. My bag was on my lap and embraced it tight. Nilagay ko na ‘yung cellphone ko sa bag. All of them were saying and tapping me at the shoulder to take notice and do something about it. I think that’s their way of distracting you and their moment to take advantage of your situation. But I never did, and let that thing sit on my shoulder."
David Soterio San Jose | Facebook
"Bumagal na ang oras, it was just a short distance but was the longest minutes of my life. Hindi nila ako tinatananan hanggang sa pansinin ko ‘yung laway. Pero hinayaan ko lang. Eventually, they stopped talking to me. At nag-usap usap sila na in a dialect which I didn’t recognize. Later on, nag-tagalog na at sinabing “baka Koreano ‘to.” Sabay tinapik ako sa balikat ko ng katabi ko. Tinignan ko lang siya. Naramdaman ko ‘yung frustration nila. Binuksan ko ‘yung bag ko para kuhain ‘yung alcohol ko. Nag-spray ako sa kamay at sa balikat. Iniwasan ng katabi ko ‘yung ini-spray ko. Muli nilang hinawakan ‘yung balikat ko at ‘yung batok ko. Pero tinignan ko lang sila. After that, nilayasan nila ako. Lumipat na sila sa likod."
"I didn’t know that they were so persistent of getting something from that trip and making that a success. Akala ko sa akin na matatapos ‘yung tagpong ‘yon. Pero matapos ang ilang sandali, ‘yung tatlo sa kanila paspasang bumaba ng bus sa Heritage. Nang-snatch na siguro sila. ‘Yung dalawa sa kanila, normal na lumalabas nang biglang sumisigaw ‘yung isang pasahero ng “cellphone ko, cellphone ko.” Hinarangan o ginitgit nila ‘yon at tumanggi sa paratang at sinabing nakatawid na sila (yung tatlong tumakbo)."
David Soterio San Jose | Facebook
"Bumalik ‘yung nabiktima sa upuan niya pero hinikayat siyang habulin at isumbong sa mga pulis na nagpa-patrol sa area. So, bumaba na siya kasama ‘yung mga tropa niya."
"Nag-usap usap ‘yung mga kapwa pasahero kong naiwan tungkol sa nangyari. Nung una, ayaw kong makisali. Pero maya maya, sinabi ko at pinakita ko na sa kanila na ako po ‘yung una nilang bibiktimahin sana. Pinakita ko ‘yung balikat kong may dura/laway habang nanginginig pa rin ako sa takot. Naramdaman ko ‘yung relief mula sa kanila pero at the same time, malungkot rin sila na may nabiktima pa rin sa pangyayari."
"Doble ingat po tayo, guys. Sobrang talamak na talaga ang mga ganitong modus."
Mariing pinaalalahanan ni David ang mga pasahero na kahit anong mangyari ay huwag papansinin ang mga kawatan dahil layunin nito na kuhanin ang iyong atensyon para maisagawa nila ang kanilang masamang hangarin.
David Soterio San Jose | Facebook