Isang factory worker na nagtitipid madalas pinagtatawanan ng mga katrabaho dahil sa itlog at tuyo ang kanyang ulam araw-araw - The Daily Sentry


Isang factory worker na nagtitipid madalas pinagtatawanan ng mga katrabaho dahil sa itlog at tuyo ang kanyang ulam araw-araw



 



Sa mga Pilipino, hindi talaga nawawala ang mga taong mahilig pumuna at mag usisa ng buhay ng iba, na siguro nga ay likas na o di naman ay nakagawian na ng karamihan sa atin.


Kaya madalas ay nagkakaroon ng alitan ang mga kaibigan o di naman ay nakakasakit na tayo ng damdamin ng ating kapwa.



Ito ang naging kwento ng isang lalaki na factory worker na nagngangalang Raul at siya ay walong taon nang namamasukan sa pagawaan.


Ayon kay Raul, madalas daw siyang napapansin at inaasar ng mga kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang baon na pagkain araw-araw. Ang ulam kasi ng masipag na trabahador ay tuyo at itlog lamang.


Kung ang iba ay masarap ang ulam lalo na kung bagong sweldo, kakaiba si Raul dahil kahit may sahod na ganoon pa rin ang kanyang ulam, at iyon ay sa walong taon niyang pag tatrabaho sa factory, iyon at iyon lang daw talaga ang ulam niya.


Gayunpaman, kahit inaasar at pinagtatawanan ng mga kasamahan ay hindi nagalit ni minsan si Raul, bagkus ay ngumingiti lang siya sa mga ito tuwing magiging sentro siya ng pang aasar. 




Sinabi naman ni Raul na kaya naman daw niyang bumili ng masasarap na pagkain ngunit siya ay nagtitipid dahil sa may importante siyang bayarin.


Kahit matagal na sa factory ay wala daw siyang naging kaibigan dahil nilalayuan siya ng mga kasamahan at madalas nga ay pinaparinggan pa siya ng mga ito, kasama na doon ang kanilang team leader na si Reah.


Lumipas ang ilang araw ay bigla nalang daw hindi pumasok si Raul matapos siyang hiyain mismo ng kanyang team leader na si Reah sa harap ng maraming tao.


At isang gabi ay pinatawag ng kanilang head manager ang lahat ng mga team leader sa factory, dahil may mahalagang anunsiyo ang management. At ang anunsiyong ito ay tungkol sa bagong papasok na supervisor na itatalaga sa grupo ng departamento ni Reah.



Laging gulat ng lahat lalo na ni Reah nang ipakilala si Raul na bago nilang supervisor. Agad namang nakaramdam ng hiya si Reah at humingi ng tawad kay Raul.


At dahil wala siyang kaibigan sa factory ay wala ding nakakaalam na isa palang working student si Raul, kaya naman ganun nalang ang pagtitipid nito para mairaos ang kanyang gastusin sa pag aaral.


Agad ring humingi ng paumanhin ang mga dating kasamahan sa kanya. Kaya sana, ang kwento ni Raul ay maging aral sa lahat na huwag agad manghuhusga ng kapwa.