Inahing Baka na masungit, napaluha matapos siyang tulungang maisilang ang kanyang kaisa-isang anak. - The Daily Sentry


Inahing Baka na masungit, napaluha matapos siyang tulungang maisilang ang kanyang kaisa-isang anak.



Isa ang panganganak sa pinaka mahihirap at masasakit na karanasan ng isang ina, hindi lang mga tao ngunit ang mga hayop rin ay ganito ang pinagdadaanan.

Dahil dito ay may mga pagkakataon na hindi nakakayanan ng isang ina ang hirap nito. Kaya sa kasamaang palad ay mayroong pumapanaw na ina matapos magsilang ng sanggol.




Isang inahing baka ang pinagusapan matapos makitang lumuha ito dahil sa lubos na pasasalamat sa pag tulong ng isang doktor sa kaniyang panganganak.

Nakilala ang baka bilang si Freser, mula raw nang dumating ito sa santuwaryo ay naging mailap ito sa lahat at hindi basta basta nagtitiwala kung kanino man.

Naging sensitbo ang pagbubuntis ni Freser at nanatiling masungit habang dinadala ang kanyang anak hanggang sa dumating ang araw ng panganganak nito.

Fundación Santuario Gaia | Facebook

Fundación Santuario Gaia | Facebook


Hindi mawaring sakit ang hirap ang nararanasan ni Freser habang pilit na iniluluwal ang batang baka, kaya naman dali-dali itong tinulungan ng doktor na si Ismael Lopez.

Mabilis nitong hinawakan ang mga paa para hilahin at matulungang makalabas ang batang baka sa sinapupunan ng kanyang ina.

Hindi matimbang na nerbyos ang naramdaman ng lahat nong mga oras na iyon maliban sa doktor na determinadong mailigtas ang mag ina at tuluyang matapos ang paghihirap ng mga ito.

Fundación Santuario Gaia | Facebook

Fundación Santuario Gaia | Facebook


Sa huli ay tagumpay na naisilang ang batang baka na pinangalanang si Savi!

Taliwas sa ipinakitang pag uugali ni Freser noon, naantig ang damdamin ng lahat ng makitang lumuha ang inahing baka at mangilang ulit na hinahalikan ang doktor na si Ismael, batid nila ang lubos na pasasalamat nito sa doktor sa pagtulong sa kanya.

Ngunit bilang isang beteranong doktor ng hayop, alam ni Ismael na hindi maganda ang lagay ni Freser. Kaya minabuti nitong bantayan ang mag-ina, magdamag niya itong sinamahan at sinuguradong magkapiling ang dalawa upang masulit ng bagong silang ang mga nalalabing oras ng ina.


Fundación Santuario Gaia | Facebook

Fundación Santuario Gaia | Facebook


Hanggang sa dumating ang nakakalungkot na inaasahang oras, kinaumagahan ay binawian ng buhay ang bakang si Freser. Ito raw ay dahil sa pamumuo ng dugo sa katawan nito.

Labis man ang pagkalungkot ng lahat, mula noon ay pinagalagaan ng husto ni Ismael si Savi at ibinigay ang pagmamahal na kinakailangan nito. Pinakain at tinulungang uminom ng gatas sa bote hanggang sa matuto na itong tumayo at mamuhay sa sarili niyang mga paa.

Fundación Santuario Gaia | Facebook