Viral ngayon ang post ni Teacher Jen Dullente ng Bugo National High School sa Cagayan de Oro na excuse letter ng isang magulang para sa anak nitong 3 araw nang absent dahil wala siyang makain.
Ayon sa excuse letter, tatlong araw na raw na hindi kumakain ng kanin ang estudyante dahil ang kanyang ama ay hindi nakapag-sikad.
Hindi naman napigilan ni teacher na maawa sa kanyang estudyante at sinabing ito ang dahilan kung bakit ginusto niyang maging guro.
“As a read my student’s excuse letter, a magnitude of realization slaps me! That’s why I choose to be a teacher: to lend a hand to students like them and make them perceive that poverty is not a wall to break but an opportunity to climb and see what’s lies behind," ani Dullente sa kanyang Facebook post.
Photo credit: Jen Dullente
Umani ng madaming reaksyon ang post na ito at marami ang nalungkot. Madami rin ang nagsabing mahirap talaga ang pumasok sa eskwelahan kapag walang laman ang tiyan.
Umabot na sa 10k reactions and 9.1k shares ang nasabing Facebook post.
Trivia: Ano ang Sikad? Ito ang halimbawa ng sikad.
Photo from steemit
***
Source: Jen Dullente | Facebook