Photo credit to Anthony Antonio | Facebook |
Mula ng magkapandemya ay sadyang naging in-demand na ang food delivery order online. Malaking tulong ito upang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay ang karamihan para bumili ng pagkain at iba pang gamit at makaiwas na din sa matataong lugar. Sinasabing alternatibong paraan din ito ng ibang rider upang kahit papaano’y kumita sila sa gitna ng pandemya.
Kahanga-hanga din ang mga istoryang naglalabasan online tungkol sa mga delivery riders na walang sawang tumutulong at gumagawa ng kabutihan sa iba, na pawang mga naging 'good samaritans' na ng bansa.
Ngunit may mga kwento rin ang ibang delivery riders na talaga namang nakakalungkot dahil sa hindi naman magagandang pangyayaring kanilang nararanasan sa kanilang customers.
Tulad na lamang ng nangyari sa isang rider na si Anthony Antonio na kamakailan ay nag-viral online dahil sa isang post at video na kanyang ibinahagi sa Facebook.
Photo credit to Anthony Antonio | Facebook
|
Ayon kay Antonio, ilalaban niya ang kanyang karapatan, dahilan marahil kung bakit niya inupload ang video para na rin makita ang tunay na nangyari noong mga sandaling iyon.
Pakiusap niya sa mga mga customers na tulad ng kanyang nakaengkwentro, huwag naman sana silang saktan at sabihan ng masasakit na salita dahil trabaho lamang diumano nila ang maghatid ng mga orders at delivery fee lamang raw ang binabayaran sa kanila at hindi ang kanilang pagkatao.
Pakiusap niya sa mga mga customers na tulad ng kanyang nakaengkwentro, huwag naman sana silang saktan at sabihan ng masasakit na salita dahil trabaho lamang diumano nila ang maghatid ng mga orders at delivery fee lamang raw ang binabayaran sa kanila at hindi ang kanilang pagkatao.
Photo credit to Anthony Antonio | Facebook |
Photo credit to Anthony Antonio | Facebook |
Narito ang buong video at buong post ni Antonio:
"Meron talagang mga tao na akala nila ay nabili na buong pagkatao mo dahil sa mayaman sila!!!..oo delivery rider lang po kami pero di nyo po kami pweding saktan at sabihan ng masasakit na salita!..,ang trabaho lang po namin ay maghatid ng mga order nyo kaya sana wag nyo po kaming mumurahin!..,wala rin pong mali sa mga sinabi ko sa inyo!..tapos may tinatawagan pa kayong pulis?!!.,di nman po ako kriminal..mataas po respeto ko sa mga taong kailngan respetuhin pero kayo wala po kayong karapatan respetuhin ng ibang tao dahil sa napakasama nyong ugali!!!
Delivery fee lang po ang binabayaran ninyo hindi po ang pagkatao namin!!!..
Issue:WRONG PIN LOCATION..."
Photo credit to Anthony Antonio | Facebook |
Panoorin ang video sa link na ito --> Anthony Antonio's Video | Facebook