"Dream come true!" Inspirasyong maituturing ang determinasyon na ipinamalas ng isang batang walang ibang ninais kundi ang magkaron ng magandang kinabukasan. At matapos nga ang 9 na taon ay heto na siya ngayon.
Mula sa pagiging simpleng serbis kru, nangarap at nagsumikap si Karl Serrano hanggang sa makamit ang pinaka-aasam asam na tagumpay.
2013 nang magsimulang subaybayan ni Karl ang mga tips na kanyang idolo na si Chinkee Tan at di hamak naman na malaki ang naging epekto nito sa kanyang buhay.
Bawat libro at tips ay masusi nitong pinag-aralan at isinabuhay at ayon sa kanya ay napaka daling intindihin at gawin. Isa nga raw sa naging paborito nitong panoorin ay ang "The Need to Succeed".
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Dating service crew si Karl sa Jollibee SM Lucena, Quezon at itnuring nitong swerte nang makadalo at mapakinggan ng live ang tinitingala nitong financial advisor.
Naikwento rin nito na dumating siya sa punto na nabaon siya sa utang at walang makain.
"Itong taon rin ung lowest point ng buhay ko dahil baon ako sa utang, wala akong makain. Dinadalhan na nga lang ako ni Grace ng pagkain na tinakas nya sa bahay ng kuya nya para lang makakain ako."
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Ngunit hindi ito sumuko at nanatiling determinado nang sa ganun ay mapatunguhan ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
Kaya naman mabilis nakabangon si Karl at nagsimula na itong magsalita sa harap ng maraming tao para bigyan ng malawak na pagunawa kung paano maging madiskarte sa buhay.
"Nagturo rin ako sa mga network marketers kung paano maging sucessful sa business nila na di kailangan magsinungaling sa mga tao."
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Nagpatuloy ang magagandang pangyayari sa buhay ni Karl at tuloy-tuloy na naging matagumpay sa kanyang tinatahak na karera.
Kinilala pa siya bilang isa sa pinaka mahuhusay sa kanilang kumpanya at kahit na kasagsagan pa noon ng pandemya ay hindi ito naging hadlang upang dumami pa at lumakas ang benta nito sa kanyang mga paninda.
"2020 sobrang lakas ng benta namin online kasagsagan ng pandemya"
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Hanggang sa nakapagpatayo na ito ng bagong bahay upang lisanin ang kanilang tahanan na laging binabaha at noong nakaraang taon lang ay nakabili na rin ng kanyang sariling sasakyan.
Kasama pa rin ang kanyang partner na si Grace, maging sa social media ay naging matagumpay rin si Karl. Katunayan nga nito ay nang makamit nila ang 1 million followers sa TikTok. Halos katumbas ng mga sikat na personalidad dito sa Pilipinas.
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Hindi na rin pinakawalan ni Karl ang kaagapay niya sa hirap at ginhawa na si Grace kaya nag propose na ito sa kasintahan.
Patuloy na tumutulong at gumagabay sa mga nagnanais magtagumpay sa pagnenegosyo si Karl. Ayon sa isang litrato ay kasama niya ang isang dating tricycle driver at dating OFW sa Japan kung saan makikita na sila'y mayroong kanya-kanyang magagarang sasakyan.
Chinkee Tan | Facebook
Chinkee Tan | Facebook
Source: Chinkee Tan | Facebook