Babae, nagbabala tungkol sa grupong nagpapanggap na mga pulis: “Kinuyog nila ako” - The Daily Sentry


Babae, nagbabala tungkol sa grupong nagpapanggap na mga pulis: “Kinuyog nila ako”



Ang mga manloloko ay walang pinipiling panahon o oras. Kahit na mayroon tayong kinakaharap na krisis sa ating bansa, patuloy parin sila sa kanilang modus.

Kim del Rosario | Photo credit from her Facebook account

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang netizen ang nakakatakot na bagong modus ng mga kawatan upang manloko at mandugas ng kapwa. Ang kakaiba rito ay nagpapanggap silang pulis.

Ayon kay Kim del Rosario, nangyari ang lahat alas diyes ng umaga sa F. Benitez Street sa San Juan City. Aniya, habang nagmamaneho siya ay biglang may nag-cut sa kanyang lalaking naka motorsiklo. 

Sinubukan niya itong businahan ngunit patuloy parin ang pag-cut nito sa kanya. Naisip ni Kim na baka may nangyari sa kanyang sasakyan at concern lamang ang lalaki. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

I was actually expecting him to say something like “ma’am flat yung gulong mo” or something else,” sabi ni Kim.

Ngunit nagkamali ang netizen dahil minumura na pala siya ng lalaking nakamotorsiklo. Maya maya ay may dumating pang 4 na nakamotorsiklo at ang isa sa kanila ay nakasuot ng PNP jacket. 

One was a lady wearing a fake PNP jacket with pink tight leggings (LOL sana ginalingan naman) and 3 at the right side of my car. One of them was this guy cursing me,” sabi ni Kim.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Patuloy ang pagmumura ng lalaki kay Kim at sinasabing binangga nito ang babaeng pulis. Mabuti na lamang at hindi siya bumaba ng sasakyan o nagbukas ng bintana.

Patuloy ang ginawang pagkuyog ng mga kawatan kay Kim ngunit hindi parin siya bumaba ng sasakyan. Makalipas ang limang minuto ay hinayaan na ng grupong makaalis si Kim na parang walang nangyari.

“Parang walang nangyari. I think their intention was to steal my car or any valuables I have in the car. Once kasi binuksan ko window ko or bumaba ako ng kotse, magkaka opportunity sila so tintrigger talaga nila ko eh,” sabi ni Kim.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Sa huli ay nagbigay ng babala at paalala si Kim kung sakiling mangyari sa kanila ang ganitong insidente.

Lesson: Always be aware of your surroundings. Never go down the car or open your windows lalo na kung suspicious yung mga nangyayari.

Narito ang buong post:

“Just want to share a very traum*tic experience I encountered 4 days ago to warn everyone to keep safe and BE AWARE of your surroundings.

Last September 9, at exactly 10:15AM, I was at F. Benitez Street, on my way to a client. Suddenly a guy in a motorcycle cut me. Mababangga na niya ko. So I gave him a honk as I drove off. The guy followed me and he continuously cut me off. At some point, I thought that there was something wrong with my car and this guy was just concerned. I was actually expecting him to say something like “ma’am flat yung gulong mo” or something else. But no.. he started cursing me.

Guy: HOY TANG*** MO, GA** KA, BUMABA KA. AKIN NA LISENSYA MO. BUKSAN MO BINTANA MO. MAGSALITA KA. MAY LISENSYA KA BA. AKIN NA!

He was making a scene and drew everyone’s attention. Suddenly 4 more motorcycles went near us. Kinuyog ako. 2 in front of my car. One was a lady wearing a fake PNP jacket with pink tight leggings (LOL sana ginalingan naman) and 3 at the right side of my car. One of them was this guy cursing me.
I didn’t make any move. I didn’t open my window nor go down the car.

Guy: HOY BUMABA KA. BINANGGA MO YUNG KAHARAP MO! PULIS YAN! *He was referring to the lady with fake PNP jacket haha* BUMABA KA. RECKLESS DRIVING YAN GAG* KA! (Funny lang kasi nauna ako tumigil bago ako completely maharangan nung lady. So paano siya mabunggo? haha)

I still didn’t go down. This lady kept on taking photos of my car, my face, my plate no. Kinuyog nila ko siguro mga 5 mins. and nagcacause na kami ng traffic. Then bigla na lang sila tumabi and pinadaan ako kasi wala sila mapala sakin. Parang walang nangyari.

I think their intention was to steal my car or any valuables I have in the car. Once kasi binuksan ko window ko or bumaba ako ng kotse, magkaka opportunity sila so tintrigger talaga nila ko eh.

Lesson: Always be aware of your surroundings. Never go down the car or open your windows lalo na kung suspicious yung mga nangyayari.

The end”



***

Source: Kim de Rosario | Facebook