Sinubok man ng kahirapan at mapait na kapalaran ay hindi ito naging hadlang para magtiyaga at magsumikap sa buhay ang 17 taong gulang na batang tindera na ito.
Sa istoryang ibinahagi ng programang Virgelyncares 2.0 Official, nakilala ang dalagang si Clara na namumuhay kasama ang kanyang ama na na-mild stroke.
Unang nakilala ni Virgelyn si Clara sa isang bakery sa Naga bilang isang tindera. Aniya, P3,000 libo daw ang kanyang kinita doon sa loob ng isang buwan na pagtatrabaho.
Bukod dito ay nagtitinda rin siya ng mga fish ball at kung anu-ano pang meryendang tuhog-tuhog. Pati ang pagbebenta ng skin care products ay ginagawa rin ng masipag na bata.
Ang kanyang ama na hirap maglakad dahil sa stroke ang inspirasyon ni Clara sa kanyang pagsisipag. Nais niya na mapatayuan ito ng simpleng bahay upang mas maging komportable ang pagpapahinga nito.
Virgelyncares 2.0 Official | YouTube
Virgelyncares 2.0 Official | YouTube
Ayon sa panayam sa mag-ama, silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay dahil mallit pa lang si Clara ay iniwan na sila ng kanyang ina.
Pangiti-ngiti man nang tanungin kung nais niyang manawagan para bumalik ang kanyang ina, ay nahihiyang inamin nito na galit pa rin siya dahil sa pag-iwan sa kanila nito.
Dama ang sakit sa damdamin ng bata ng lumabas sa mga bibig nito ang salitang, "kahit naman po wala siya, kaya naman namin ni papa!"
Virgelyncares 2.0 Official | YouTube
Virgelyncares 2.0 Official | YouTube
Labing apat na taon mula nang magkasakit ang kanyang ama, kaya halos 4 na taong gulang pa lang noon si Clara ay tumutulong na ito sa kanyang magulang.
Pero dahil sa pagmamahal sa ama, kahit mahirap ay tuloy ang pagkakayod ang 17-anyos para maitaguyod ang pamumuhay nilang mag-ama.
Sa ngayon ay umaasa lang ang dalagita sa kanyang mga mumunting pinagkakakitaan upang unti unti ay matapos na ang kanilang simpleng tahanan.
Kaya naman nag abot ng tulong ang programa. Sa halagang P10,000 libong piso ay malaking tulong na ito para sa pamumuhay ng mag-ama.
Virgelyncares 2.0 Official | YouTube