Isang pamilya sa Nagcarlan, Laguna ang masuwerteng nakakuha ng bagong tricycle dahil sa magarang pa-giveaway ng sikat na artista at vlogger na si Alex Gonzaga nang minsa'y nakasama nito sa kanyang vlog ang DOTr secretary na si Sec. Art Tugade.
"Mamimigay tayo ng isang tricycle sa nanonood ngayon (na) netizens" Ani Alex.
Habang nakasakay ng MRT ay naisipan ng dalawang personalidad na magpa-contest. Ang netizen na makapagbibigay ng pinaka magandang sagot sa katanungang, "Ano ang pinaka-nagustuhan n’yang pagbabago sa public transport.
Si Sec. Art ang kikilatis sa mga sagot at mamimili ng mananalo habang ang premyong tricycle naman ay pinaniniwalaang magmumula sa artistang si Alex.
Hulyo 30 nang matanggap ni Sec. Tugade ang email ng valedictorian na si Vincent Sotalbo.
Art Tugade | Facebook
Art Tugade | Facebook
Sinabi ng 12 taong gulang mula sa Nagcarlan, Laguna sa kanyang email na natutuwa sya na mas malinis na ang mga pampublikong sasakyan ngayon kumpara dati.
"Maganda rin daw na air-conditioned na ang mga ito at nakakapagpatupad ng safety protocols."
"Malungkot ring ibinahagi ni Vincent na laging nasisira ang sasakyang ginagamit pamasada ng kanyang tatay kaya hindi rin nila ito mapakinabangan."
Art Tugade | Facebook
Art Tugade | Facebook
"Gustuhin man daw nilang bumili ng bago ay hindi nila magawa, dahil ang kanilang pera ay nakalaan para sa tuition ng kanyang kuya na papasok na sa kolehiyo."
"Si Vincent ay nagtapos ng Grade 6 sa Rizal Standard Academy, Nagcarlan, kung saan siya ay isang consistent scholar."
Ibinahagi ng DOtr secretary sa kanyang Facebook page, ang kasagutang ito mula sa email ni Vincent na siyang naging dahilan ng kanyang pagkapanalo.
Art Tugade | Facebook
Labis naman ang pagkatuwa ng iba pang mga netizens sa pagkapanalong ito ng 12-anyos na valedictorian.
Sabi pa nga ng iilan yan ay malaking bahagi ng ating kaunlaran ang pakikinig sa mga mungkahi at pagpapahalaga ng mga kabataan sa mga proyekto ng pamahalaan.
Papuri naman ang natanggap ni Alex at Sec. Art mula sa kanilang mga taga subaybay dahil sa kanilang magandang layunin.
Alex Gonzaga | Facebook