Relate na relate lahat ng mga Online Sellers sa naging karanasan ng kasamahan nilang kumakayod at kumikita sa pamamagitan ng pagtitinda ng kung ano-anong pwedeng mapagkakakitaan online sa mga kustomers na binabarat pati ang delivery fee.
Patok sa panahon ngayon ang ganitong klaseng negosyo, minamaliit man ng iba pero kabuhayan at dito kumikita ang karamihan ngayon.
Ibinahagi ni Jobelle Laurel ang katotohanang nangyayari sa pang araw-araw nilang paghahanapbuhay bilang mga nagtitinda ng mga produkto at mga serbisyo online. Isa na dito ang usapin tungkol sa suportang ibinibigay ng iba sa kanilang mga maliliit na sellers kumpara sa mga malalaki at kilalang mga negosyo.
"DELIVERY FEE IS NORMAL MY FRIEND. LALO NA KUNG MALAYO. HINDI YAN DAGDAG SA TUBO NAMIN KUNDI AY PARA LANG HINDI MABAWASAN ANG KONTING TUBO,"
Binigyang diin niya na sa tuwing sila na mga kumikita lamang sa kaunting tubo at naniningil ng kaunting delivery fee ay agad inaayawan o kinakansel kahit pa man gumagastos din naman sila ng pangdedeliver dagdag pa ang pagod at oras.
"ISIPIN NYO NAMAMASAHE KAYO NG 100 O NAGGAGAS KAYO NG 200 PARA PUMUNTA SA MALL AT KUMAIN SA PWESTO NG MAYAYAMANG NEGOSYANTE," 2
"KAPAG SI MCDO, KFC, SHOPPEE AT LAZADA MAY DELIVERY FEE OK LANG PERO KAPAG MALILIIT NA NEGOSYANTE MAHAL NA AGAD 🤦♀ ISIPIN NYO RIN KUNG KAYO ANG PIPICK-UP HINDI BA'T GAGASTOS DIN KAYO DBA?,"
Dagdag pa niya kung minsan ay naabutan sila ng malakas na ulan o katirikan ng araw, pagod at pawis kapalit ang kaunting kita para sa pamilya. Katulad nalang ng ibinahagi niyang larawan kung saan napuno siya ng putik at basang-basa dahil sa pagkalaglag niya sa putikan nong nagdeliver siya ng order sa kanyang buyer.
Narito ang kanyang buong post:
DELIVERY FEE IS NORMAL MY FRIEND. LALO NA KUNG MALAYO. HINDI YAN DAGDAG SA TUBO NAMIN KUNDI AY PARA LANG HINDI MABAWASAN ANG KONTING TUBO. ISIPIN NYO NAMAMASAHE KAYO NG 100 O NAGGAGAS KAYO NG 200 PARA PUMUNTA SA MALL AT KUMAIN SA PWESTO NG MAYAYAMANG NEGOSYANTE.
PERO KAPAG YUNG MALILIIT NA ONLINE SELLER ANG HUMINGI NG KONTING DELIVERY FEE SASABIHIN NYO AGAD AY "WAG NA LANG, MAY DELIVERY FEE PALA" WAG GANUN MY FRIEND‼️KAPAG SI MCDO, KFC, SHOPPEE AT LAZADA MAY DELIVERY FEE OK LANG PERO KAPAG MALILIIT NA NEGOSYANTE MAHAL NA AGAD 🤦♀ ISIPIN NYO RIN KUNG KAYO ANG PIPICK-UP HINDI BA'T GAGASTOS DIN KAYO DBA?
PROTECT YOUR PROFIT MGA SELLER. HUMINGI NG DELIVERY FEE KUNG MALAYO AT KUNG AYAW BUMILI HANAP NG IBANG OPEN-MINDED DI BA.
IDAGDAG NYO PA NA AABUTAN NG MALAKAS NA ULAN SA DAAN O KAYA NAMAN YUNG INIT NG PANAHON NA SOBRANG SAKIT SA ULO NA MINSAN NAKAKAHILO AT NAKAKAPAGPADILIM NG PANINGIN.
SANA LANG PO MAKITA NYO ANG HIRAP NG NAGDEDELIVER DAHIL KUNG TUTUUSIN SUMASABAK YAN SA TRAFFIC AT DI ALAM KUNG AABUTIN DIN NG DISGRASYA SA DAAN. SALAMAT PO SA PAG INTINDI.
#SUPPORTSMALLBUSINESS ❤️
#repostchallenge
#nalaglagsamaputiknadaan
#naghugassagasolinestation
😂😂😂
***
Source: Jobelle Laurel
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!