Umantig sa puso ng mga netizens ang video at mga larawan ng isang security guard ng Jollibee Lopez, Quezon branch matapos nitong pagmalasakitan ang isang PWD.
Sa mga larawang in-upload ng isa sa mga crew ng Jollibee na si Lyan Barreno, makikitang matiyagang sinusubuan ni Serdinio ang customer nilang PWD.
Ayon sa pahayag ng kanilang manager na si Nemuel Maramot, dati na nilang customer ang nasabing PWD. Kasama raw lagi nito ang kanyang lola, subalit ng araw na iyon mag-isa lamang ito.
Photo credit: Lyan Barreno
Photo credit: Lyan Barreno
"Nung time na 'yun, wala 'yung lola niya kaya in-assist na niya sa pag-order at sa pagkain."
"Naawa siya dahil nga sa kapansanan nito, alam niyang 'di makakain ng maayos kaya naisip niya subuan para makakain," pahayag ng manager.
Mapapansin rin sa video na komportable naman ang PWD sa guard na maayos siyang sinusubuan.
Hindi naman alam ni Serdinio na kinukunan na pala siya ng video at picture ng isa sa mga crew na labis na humanga sa pagmamalasakit nito sa kanilang customer.
Photo credit: Lyan Barreno
Maging ang mga netizens ay bumilib sa kabutihan ng puso ng gwardiya na sana'y tularan ng marami.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Very good po kuya guard. Nakaka-touch naman itong post na ito."
"Sana lahat ng guard ganyan, may care sa customers. Kudos po sayo"
Photo credit to the owner
"Anong branch po ito ng Jollibee? Kasi dapat kilalanin ang kabutihan ni Kuya guard.”
”Ganyan po dapat tayo kahit kanino, may respeto at malasakit"
"Nakakataba ng puso na makitang may mga kababayan tayong marunong mag-aruga sa kapwa"
Keep it up kuya jambi. #BeelibKamiSayo
Posted by Lyan Barreno on Wednesday, February 2, 2022
***
Source: Lyan Barrero | Facebook