Sa Araw ng Kanyang Bar Exam, Aspiring Lawyer, Sinagot ang Pinakamadaling Tanong: "I do!" - The Daily Sentry


Sa Araw ng Kanyang Bar Exam, Aspiring Lawyer, Sinagot ang Pinakamadaling Tanong: "I do!"



Photo credit to Dem Salazar | Facebook

Hindi mapagkakaila na pangarap ng bawat isang 'law student' na makakuha at makapasa sa bar exam pagkatapos ng apat na taong pag-aaral sa law school.

Noong sumiklab ang pandemya sa bansa at sa buong mundo noong 2020, sobrang nalungkot ang marami sa mga bar takers dahil matapos ang ilang buwan nilang paghahanda ay ipinahayag diumano ng Korte Suprema ang pagliban pansamantala sa pagkuha ng eksaminasyon. 

Isa na dito ang netizen at aspiring lawyer na si Malaica Nina Maloloy-on, na nahirapan din na mag-antay ng halos dalawang taon bago makuha ang pinapangarap na bar exam.


Aniya, "Halo-halo siya. Emotional, physical, mental struggle. Kailangan nimo mag-adjust kay normally six months lang. We were expecting that after years in law school, makapag-exam na ka tapos lo and behold, nag-pandemic man. Naa ka two years na hulaton,"

Bagama't binigyan siya diumano nito ng mas maraming oras para mag-aral at mag-review, ang matagal na paghihintay ay nagbigay raw sa kanya ng labis na stress.

Kaya naman laking pasasalamat ni Malaica na sa kabila ng bagong variant ng Covid ngayong taon ay natuloy na din sa wakas ang inantay nilang 'bar exam'.

Ngunit bilang karagdagan sa kinakailangang pag-aaral, kinailangan niyang sumailalim sa isolation sa loob ng dalawang linggong at kinailangan din niyang kumuha ng 'reverse transcription-polymerase chain reaction' (RT-PCR) test. Sa kabutihang palad, nag-negatibo naman siya sa Covid-19 test.

Kabilang si Malaica sa 478 examinees mula sa buong Mindanao na naghintay ng dalawang taon bago matupad ang kanilang pangarap na maging abogado. Sa halip na magsagawa ng eksaminasyon sa Maynila, nagpasya din ang Korte Suprema na magkaroon ng 2022 bar examinations sa Davao City sa loob ng dalawang araw,Pebrero 4 at 6.

At sa huling araw ng kanyang bar examination, hindi alam ni Malaica na may nakahanda palang malaking surpresa sa kanya ang kanyang long-time boyfriend na si Demrev Salazar, isa ding abogado.

Photo credit to Dem Salazar | Facebook


Matapos siyang magbar exam at lumabas sa venue, sinundo siya ni Demrev at ang tanging nais lamang daw niya ng mga oras na iyon ay makakain dahil sobrang gutom na siya. 

Kaya hiniling niya sa nobyo na kung maaari ay pumunta muna sa sila sa isang restaurant upang doon mag lunch.

Ngunit iginiit ng kanyang nobyo na bumalik sila sa hotel na kanilang tinuluyan noong mga nakaraang araw bago sila lumabas at kumain.

At nang makarating sila sa silid ng hotel, laking gulat ni Malaica nang makita ang mga kandila, bulaklak at dekorasyon sa paligid.

Photo credit to Dem Salazar | Facebook

Ang buong akala niya raw ay tapos na niyang sagutin ang lahat ng tanong noong araw na iyon. Ngunit, hindi niya inaasahan na mayroon pa pala siyang sasagutin na isa pang tanong. At sa pagkakataong ito mula sa kanyang kasintahan. Isang tanong na magpapabago rin sa kanyang buhay magpakailanman.

"Will you marry me?" tanong ni Demrev.

At hindi tulad sa bar exam na mahirap at mahahaba ang kanyang sagot, isang madali at maikling sagot lamang raw ang kanyang sinabi dito.

"I do.", sagot ni Malaica.

Photo credit to Dem Salazar | Facebook

"Di ko na po ma-explain 'yung feeling ko when he knelt down. I was just so happy and overwhelmed. I knew naman in my heart na I had only one answer.", dagdag niya.


Sa katunayan, wala raw siyang ideya na ang kanyang kasintahan ay magbibigay sa kanya ng isang advanced gift para sa Valentines Day.

“Na-surprise ko actually. Ang naa lang talaga sa akong mind ato na time was na mahuman lang nako ang exam. Bonus lang talaga naa pa diay ing-ani,” ani Malaica.

Kwento pa niya, mukhang nagbunga diumano ang bawat effort na ginawa niya para sa pagrereview at hindi raw niya inakala na may isa pa siyang tanong na sasagutin sa araw na iyon. At ayon raw ang pinakamadaling tanong na kanyang sinagot.

“Nag-pay off tanan imong kakapoy from the review hangtod sa examination. Wala ko nag-expect nga naa pa diay koy last question nga tubagon that day. At least kabalo ko sa akong heart na easiest gyud to na question na akong tubagon,” aniya.

Photo credit to Dem Salazar | Facebook

Samantala masaya namang ibinahagi ni Atty. Demrev na sa wakas ay dumating na diumano ang araw ng kanyang paghihintay na mag-propose sa girlfriend matapos ang halos pitong taon na pagsasama.

Siya ay kumuha at pumasa sa pagsusulit sa bar noong 2019, at naroon raw si Malaica sa kanyang tabi upang suportahan ang kanyang paglalakbay sa pagiging isang ganap na abogado.


“Naging gaan gyud ang akong law school life tungod ni Malaica kay since law school hangtod sa pag-review sa bar, pag-take sa bar, ug paging abogado nako, naa gyud siya,” sabi ni Demrev.

At ngayon ngang si Malaica naman ang kumuha ng bar exam ay naisip niyang bigyan ang kasintahan ng isang espesyal na sorpresa.

Dapat raw ay noong 2020 pa siya magaalok ng kasal kay Malaica at magproprose dito ngunit dahil nga napostpone ang bar exam ay hindi ito natupad. Kaya naman nag-antay siya ng tamang pagkakataon at timing para dito.

Sa kabila ng mga pagkaantala, tiniyak niyang mananatili siya sa kanyang mga plano at pinili ang araw ng bar exam ni Malaica upang maging mas espesyal ang araw na iyon.

"Gusto ko sa last day sa kanyang pag-take sa bar exam kay ma-feel man gud nako na mao na ang pinaka-special na araw sa mga nag-take og bar. Kanang mahuman na talaga ang ilang matagal na natapos na exam after dalawang taon," saad niya.

"I was very anxious kasi I didn't know how she would react. In the end naman, luckily, I heard her sweetest ‘yes’", kwento ni Demrev.

Sa ngayon, ay wala pa sila diumanong konkretong plano at petsa ng kasal, ngunit sinabi ng magkasintahan na malapit na ito at nais nilang maging 'intimate' lamang.

"Wala pa talaga mi concrete plan kay fresh pa kaayo ang lahat sa bar exam. Gusto ko mag-relax muna habang inaantay ang resulta ng bar.", ani Malaica.

Sa pagtatapos ay nag-iwan si Atty Demrev ng isang nakakakilig na mensahe sa girlfriend,
"No words can express how proud I am to have witnessed you endured your journey until the last day of the Bar Exams. And finally the long wait is over. Can't wait to continue forever with you, my future atty!”