Larawan mula sa Kami |
Nakakatuwa na marinig ang mga kwento ng ating mga Overseas
Filipino Workers (OFW) na nakatagpo ng mababait na employer at hindi
mapang-abuso sa kanilang mga kasambay.
Isa na dito ang kwento ni Jovelyn Castillon, 41 anyos at siya
ay isang dekada nang naninilbihan sa kanyang amo na Palestinian Romanian sa
Qatar.
Ayon pa sa 41-anyos na OFW, tumagal sya ng sampung taon sa
kanyang amo dahil sa kabutihan ng mga ito sa kanya.
Napamahal na rind aw sa kanya ang mga anak nito na kanyang inaalagaan na ngayon ay may edad
14 at 12 na taon na.
Para daw sa kanyang mga alaga, siya ang “the best Nanny” sa
buong mundo.
Binahagi ni Jovelyn ang kanyang kwento sa Kami at napag
alaman na pinag luluto din sya ng mga bata at minsan ay siya naman ang pinag
sisilbihan.
“Dito sa bahay, minsan ngluluto sila. Tapos upo lng daw ako
at panoorin sila. Then mgserve din sila for me kahit simpling itlog or pancake
lang masaya na ako at showy sila. They always say “I love you Jovi, your’e the
best nanny in the world.” Tapos pag mgluto ako ng mga pinoy foods they never
forget to say thank you.” Kwento ni Jovelyn
Larawan mula sa Kami |
At aniya pa, hindi raw siya nakakalimutan ng mga ito na bilhan
ng pasalubong kung sila ay mamimili or shopping sa mall.
“At thoughtful sila lagi, like kung nasa mall or shopping
sika, they never forget to buy something also for me. Kahit isang tshirt,
tsinelas at iba pa. Tapos pag nasa travel sila, lahat sila my pasalubong sa
akin,” ayon pa kay Jovelyn
Sa mga sinasabi ng OFW, makikita at mararamdaman naman na
talagang pamilya na ang turing ng mga ito sa kanya.
Napag-alaman din na kahit may pandemic ay hindi siya pinabayaan
ng mga ito at patuloy siyang pinapa sweldo.
Dahil sa kanyang mababait na employer, natulungan din nya
ang kanyang mga kapatid na makapag tapos ng pag-aaral.
Napakapag patayo din umano si Jovelyn ng maliit na negosyo
sa tulong nga kanyang sweldo.