Modus ng scammer sa mga Money Bouquets sellers, ibinunyag! - The Daily Sentry


Modus ng scammer sa mga Money Bouquets sellers, ibinunyag!



Isa sa mga online seller na tinangkang biktimahin ng scammer

Isang babae na nag-order ng 'money bouquet' ang natimbog matapos mapagalaman ang kanyang modus na panloloko gamit ang pekeng resibo na ginagamit pambayad sa mga online sellers.

Sa isang viral video, mapapanood ang isang entrapment operation na isinagawa ng Regional Anti-cybercrime Unit ng Cordillera laban sa isang suspek na umano'y nag-order ng 'money bouquet' na nagkakahalaga ng halos 23,200 pesos.

Credits: RNGLuzonOfficial

Kwento ng biktima na si Precious Aquino, nakipag-ugnayan siya sa mga pulis upang maisagawa ang entrapment operation para mahuli ang suspek. Ayon sa kanya, gumawa siya ng isang tunay na money bouquet at ipinala niya ang litrato sa scammer ngunit ang ginamit sa operasyon ay pekeng money bouquet.

Aakalain mong isa lamang itong normal na delivery setup habang walang kaalam-alam ang babae sa patibong na isinagawa ng mga pulis laban sa kanya, matapos siyang kuhanan ng litrato at tanggapin ang order na bulaklak na akala niyang may malaking halaga ng pera.

Ayon sa report, hindi bababa sa siyam (9) ang nabiktima ng suspek gamit ang pekeng resibo.

"Kawawa naman ang mga biktima nito. Nagsusumikap para may maipakain sa pamilya tapos lolokohin lang," simpatya ng isang netizen.

Estela Dumas, isa sa mga nabiktima

"Wala kang awa sa mga taong nagtra-trabaho ng maayos, samantalng ikaw walang ginawa kundi mangloko ng kapwa mo, dapat ibalik mo lahat ng kinuha mo sa mga tao at dapat kang mabulok sa kulungan!" pahayag pa ng isa.


Inaasahang habang papalapit na ang Araw ng mga Puso o Valentines Day ay magkakalat lalo ang mga ganitong klase ng modus. Kaya pinapayuhan ang lahat lalo na ang mga online sellers na mas maging mapagmatyag at maging mabusisi lalo na sa mga transaksyon na maaring gumamit ng mga pekeng resibo ang isang mamimili.

"Daming scammers ngayon ingat tayong lahat. Meron pa nga dyan laptop naman ang pinapa-order limited slots lang daw 25,000 ang halaga ng laptop. 'Yun pala scam. Kawawa naman yung bata na na-scam nila," paalala ng isang netizen.

Samantala, pinuri naman ng ilang netizens ang naging matagumpay na operasyon na ito.

"Good job mga sir, dapat marami pa kayong mahuli sigurado poh marami yan kawawa ang nabibiktima nila."

Narito ang buong video:


Source: 1