Madalas ay mga nag gagandahan at makukulay na mga bulaklak ang ating nakikita at nagbibigay buhay sa mga palamuti sa isang glamorosong kasalan.
Ngunit kakaiba ang tema ng isang kasalan sa Escalante City, Negros Occidental na kung saan ay mga sariwa at masusustansiyang mga gulay ang bumida sa isang natatanging okasyon.
Maraming netizens ang napahanga ng bagong mag asawang sina Giovane at Sarah Umali dahil sa kakaibang konsepto kanilang kasalan na natunghayan at kumalat sa social media.
Photo credits to Hulagway | Facebook
Photo credits to Hulagway | Facebook
Photo credits to Hulagway | Facebook
Bukod kasi sa mga gulay na naging dekorasyon sa kanilang lamesa ay ito na rin ang naging giveaway o mga souvenir nila para sa kanilang mga bisita.
Ayon sa ulat, nagmula sina Giovane at Sarah sa Canlaon City kung saan sagana ang mga gulay at prutas.
Nakakatuwa ring pagmasadan na ang mga gulay at prutas ay nakalagay sa eco-friendly na mga container at basket.
Photo credits to Hulagway | Facebook
Photo credits to Hulagway | Facebook
Nagmistulang vegetable farm ang venue ng reception ng bagong kasal kaya naman talagang marami ang bumilib sa kakaibang tema na ito.
Lubos naman ang pasasalamat ng mag asawa sa mga taong nagustuhan ang magandang ideya at husay ng designs sa kanilang wedding reception.
Ang trending na kasalang ito ay naganap noong nakaraang Enero 28 2022 at patuloy na kinamamanghaan ng mga netizens sa social media.
Photo credits to Hulagway | Facebook
Photo credits to Hulagway | Facebook