Mga larawang patunay na kapag nananahimik daw ang isang bata, tiyak ikagugulat mo kung ano ang kanilang ginagawa! - The Daily Sentry


Mga larawang patunay na kapag nananahimik daw ang isang bata, tiyak ikagugulat mo kung ano ang kanilang ginagawa!



Sabi nga ng karamihan, masarap sa pakiramdam ang katahimikan lalo na't kung naghahanap ka ng kapayapaan. Pero hindi para sa magulang na may bulinggit na inaalagaan.

Kaya kapag daw ang bata ay nananahimik, kabahan ka na! Dahil siguradong meron na itong gamit na kinakalat o ginagawang kababalaghan na mag papanginig ng iyong laman.




Dahil nga mga musmos pa at marami pang katanungan sa kanilang isipan, madalas ay marami silang nais malaman at gawin na kadalasa'y nauuwi sa makalat na tahanan.

Gaya na lang ng mga litratong ito na ibinahagi ng mga magulang ukol sa pinag gagawa ng kanilang mga chikiting.

Una na rito ang litrato mula kay Crystal Bautista. Ikinalat lang naman ng kanyang anak na si Johann ang bagong biling lotion sa kanilang upuan. Aniya, "First rule of parenting: Never trust a silent toddler"

smartparenting.com.ph

smartparenting.com.ph


Cream naman ang napagdiskitahan ng anak ni Ann! Kuha sa litrato sa itaas ang pagkalat ng cream sa kanyang binti.

smartparenting.com.ph


Habang naglalaba naman ay kinabahan ang inang si Dijiana dahil sa hindi pangkaraniwang katahimikan. "I thought, naku, may ginagawa ‘tong bata na to," at gaya ng inaasahan, ginuhitan ng anak nito ang sariling mukha gamit ang permanent marker dahil kabilin-bilinan ni Dijiana ay wag magsulat sa pader ang bata.

smartparenting.com.ph


Laking gulat naman ni mommy Krisstina ng silipin sa kwarto ang anak kung ito'y mahimbing ng natutulog. Bumungad kasi dito ang anak na ginagamit ang kanyang kolorete sa mukha. Aniya, feel na feel pa raw ang paglalagay at gandang ganda sa sarili niya.

smartparenting.com.ph


Make up din ang napag-tripan ng batang si Scarlett pero imbis na sa mukha ay sa kamay at binti hanggang sa paa naman ang kanyang pinaglagyan.

smartparenting.com.ph


“Sa liit ng white board niya, hindi siya nakuntento. Kaya nag-write na siya sa floor. Buti na lang washable lahat ng pens niya!”

'Yan naman ang sabi ni Ann Delos Reyes nang madatnan ang nananahimik niyang baby na si Erin Amara.

Bida naman sa larangan ng pagkakalat ng pulbos o baby powder ang dalawang babies na sina Sophia at Yash.

Ayon sa mga magulang na si Joy at Sharah ay kita sa mukha ni Sophia ang saya sa kanyang ginawa habang kalmado naman si Yash sa pagkakalat ayon sa kanyang inang si Sharah.

smartparenting.com.ph

smartparenting.com.ph


At ang pinaka matindi raw sa lahat, ay ang ginawa ng 2-anyos na si baby Kyri. Pinaliguan lang naman nito ang laptop ng kanyang mga magulang.

smartparenting.com.ph


Ayon sa ama na si Sonny Raagas, dito raw nanonood ng mga cartoons si Kyri ngunit nang ito'y magsawa na, imbis daw na ligpitin ang laptop ay halos humiwalay ang kaluluwa nila ng makitang nakababad na ito sa umaapaw na tubig mula sa gripo ng kanilang banyo.

Tinanggal daw ni Sonny kaagad ang baterya nito pero dahil sa matagal na pagkakababad ng laptop umano sa tubig ay minabuti na lang nito na kunan ng litrato ang tagpo para maging remembrance.

Tunay nga namang nakakatuwa ang kakulitan ng mga bata, ngunit sa isang banda ay may konting inis ka ring madarama dahil nga hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa.

Kaya paalala ng mga magulang ay hangga't maaari ay huwag aalisin ang tingin sa mga chikiting dahil siguradong magugulat ka na lang kapag sila'y nanahimik at hindi mo na naririnig ang kanilang tinig.