Normal na sa pamilyang Pilipino ang pagtutulong-tulungan, maging ang pag-aako ng responsibilidad lalo na usaping suportang pinansyal para sa pag-aaral ng mga kapatid, pamangkin o ng mga pinsan.
Ibinunyag ng dating Pinoy Big Brother (PBB) Grand winner na si Melai Cantiveros na hindi niya pinagbibigyan ang mga pinsan at mga kapatid na nanghihingi sa kanya ng suporta bagkus ay pinagsasabihan niya ang mga ito.
“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, ‘Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan,”
"Pagresponsibidad niyo, responsibilidad niyo yan. Kasi pinasok niyo yan. Hindi pwedeng ako ang magbabayad niyan,"
Bata pa lamang ay tinuruan na umano sila ng kanilang mga magulang kung paano maging responsable sa buhay at huwag kailanman iasa ang buhay ta pangangailangan sa iba kaya pinagsasabihan niya ang ibang mga kamag-anak na humihingi ng tulong sa kanya pagdating sa tuition.
“Kami, bata pa lang kami, tinuruan na kami na huwag umasa. The best yung maging breadwinner. Pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate. Dapat nagta-trabaho ka rin.
"Kunyari sinabi ng pamilya ko tuition fee, [sasabihin ko] ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga,”
Aminado siyang buhat nang magkaroon na siya ng sariling pamilya, saka niya na naisip ang halaga ng bawat perang kanyang kinikita sa pagtatrabho.
"Aaminin ko, nung nagsimula palang ako at nagkaroon ng kita sa show business talagang inenjoy ko talaga. Pagkain, paglabas, mga barkada. Inenjoy ko talaga lahat. Masasabi mo talagang walang investment yun,"
Dito na rin nila naisip ni Jason Francisco ang magsimulang mag invest sa mga negosyo, mag-ipon para sa kinabukasan ng mga anak.
"Kontento ako sa buhay ko. Mga anak ko nagpakontento sa akin. Kung anong kasiyahan ng mga anak ko, 'yon rin ang kasiyahan ko,"
Kahit iba na ang kanyang mga priorities sa mga napupuntahan ng kanyang kinikita, hindi niya kailanman nakakalimutan ang kanyang pamilya at mga kamag-anak, kasama lahat tuwing mamasyal at bakasyon.
“Pag umuwi ako ng GenSan sa December, i-prepare niyo na ang bag niyo kasi hindi na kayo makaka-stay sa bahay niyo. Kasi pupunta kami ng Davao, pupunta kami ng Bohol. Ako lahat ‘yan. ‘Pag responsibilidad mo, responsibilidad mo ‘yan. Kasi pinasok mo ‘yan. Hindi pwedeng ako mag kuan ‘nyan,”
Labis naman ang pagpapasalamat ni Melai sa lahat ng mga biyayang natatanggap sa trabaho niya sa showbiz. Ibinahagi pa nga niya na wala siyang planong magtagal sa industriya.
"Two years lang plano ko noon magtrabaho sa showbiz mula paglabas ng PBB, pagmakaipon, uuwi ako ng Gensan magtayo nalang ng negosyo. Parang kasi feeling ko noon hindi ako belong dahil sa mukha ko,"
***
Source: Enchong Dee
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!