Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina dahil lahat ng hirap at sakripisyo ay kaya nilang tiisin alang alang sa kanilang mga anak.
Mula sa kanilang sinapupunan hanggang sa ating paglabas sa mundong ito ay inalagaan at inalalayan nila tayo upang mahubog at maging isang mabuting tao.
Ngunit sa kanilang pagtanda, kaya rin ba nating ibigay ang pagmamahal at sakripisyo na kanilang ibinigay sa atin?
Samantala, dinurog ang puso ng mga netizens sa social media matapos kumalat ang mga larawan ng isang inang inabandona umano ng kanyang pamilya.
Makikita sa mga larawan ang matandang babaeng nakahiga sa tila bumagsak na billboard sa gilid ng kalsada.
Kahit marami at matataas na ang mga damo ay makikita rin na medyo mataas ang tubig sa kung saan nakalatag ang billboard. Mabuti na lamang at hindi inabot ang matanda.
Bakas rin ang buto’t balat na itsura ni nanay at mukhang nasa edad 60 pataas na ito.
Sa ibang larawan ay makikita naman ang ilang nakasuot ng PPE habang isinasakay si nanay sa ambulansya.
Sa Facebook page na Pilipinas Connect, sinabi na hindi sa Pilipinas kuha ang mga larawang ito.
Narito ang buong post:
"Ito ang pinaka nakakadurog na larawan na nakita ko sa buong Internet. Walang awa yung nag-abandona kay nanay.
To you, (her family) hindi niyo deserve na mag celebrate ng pasko, dahil hindi ito gawain ng diyos. Napaka ungrateful ninyo. Napaka peke ninyo. I don't know the whole story, pero hindi ito deserve ni NANAY."
- Hindi ito mula sa Pilipinas
Hindi naman mapigilan ng mga netizens ang maglabas ng kanilang saloobin patungkol sa mga larawan ni nanay.
Anila, napakasakit para sa isang magulang ang iwanan ng kanyang mga anak matapos silang palakihin at alagaan.
Ang ilang mga netizens naman ay naglabas ng kanilang sama ng loob at galit sa pamilya ni nanay.
"Wala na kasing silbi kaya tinapon nalang mga ampota walang utang na loob sa mga magulang hindi iniisi na maliit a sila inaalagaan...pota talaga ang tapon yan..," sabi ni JC Lanz Lauro.
"Ang sakit..Nag anak si nanay at inalagaan pa pinalaki ng nanay pag kain.pag kalaki ng mga anak iwanan nalang walang puso kakaiya," komento ni Mhelglen Vidola.
"Habang kami nangungulila sa isang ina habang kayo tinatrato nyong parang basura. Wag sana bumalik sa inyo ang ginawa niyo. Grabe kayo," sabi naman ni Merce Tabaranza.
"Ang sakit mawalan ng lola't lolo, tapos kayo gaganyanin niyo lang. wag na din kayo sana umabot sa bagong taon, di naman deserve ng matatanda ang ganyang treatment porket matatanda na," sabi ni Grace.
***
Source: Pilipinas Connect