Larawan mula sa The Publisher |
Kilala ang bansang Pilipinas na isa sa may pinaka-mabagal na internet connection sa rehiyong ASEAN. Sa katunayan nga ay mas mabilis pa ang internet sa mga bansang Cambodia, Laos, at Myanmar.
Ayon sa Speedtest Global Index, pang-107 ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo pagdating sa bilis ng mobile internet at fixed broadband.
Korea naman ang naitala na may pinakamabilis na internet na halos 5 beses na mas mabilis kesa sa Pilipinas.
Ang bansang Singapore naman ang nangunguna sa fixed broadband kung saan higit 10 beses namang mas mabilis kumpara sa atin.
Gayunpaman, hindi na rin maiwasan ng ilang Pinoy na uminit ang ulo dahil na rin sa mahal na singil at mabagal na internet sa bansa.
Larawan mula sa The Publisher |
Larawan mula sa The Publisher |
Dahil dito ay nag-viral ang isang lalaki kung saan ay nag-amok ito ng away sa kanyang kapitbahay dahil hindi na siya maka-konek ng internet dahil pinalitan ito ng password.
Mapapanuod sa video ang isang lalaki na naghihimutok sa galit dahil napalitan ng password ang internet ng kanyang kapitbahay.
Tila nga parang hindi matanggap ni kuya na hindi na sila makaka-konek sa internet ng kanilang kapitbahay kung kaya naman ganito nalang ang kanyang galit.
Larawan mula sa The Publisher |
Larawan mula sa The Publisher |
"Umalis kayo dito..kung ayaw niyo ng ugali ko.. pangit ang ugali ko diba? dapat pinakinggan ninyo ako." ayon sa galit na lalaki.
Ayon umano sa may-ari ng wifi, hindi muna siya nagpapa-konek ng wifi dahil may online training siya sa kanyang inaplayan na call center dahilan ng pagkabagal at baka ito pa ang dahilan nang kanyang hindi pagka-pasa sa trabaho.
Larawan mula sa The Publisher |
Panoorin ang video sa ibaba: