Ang pagsasama ng mag-asawa ay binubuo ng pagmamahalan, pagdadamayan at tiwala sa bawat isa. Ito ang kailangang pundasyon upang makabuo ng masaya at kumpletong pamilya.
Photo credit to the owner
Ngunit papaano kung ang isa sa mga pundasyong ito ay mawala? Papaano kung mawala ang pagmamahal ng isa sa kanyang asawa at maghanap ito ng iba? Kailangan bang masira at mawasak ang isang pamilya dahil sa pagtataksil?
Mainit na talakayan sa social media kapag ang isyu ay tungkol sa mga babaeng pumapatol pa sa may asawa o sa madaling salita ay kabit.
Sa isang post ng Facebook page na ‘Seaman’s Wife Ako’, ibinahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan bilang isang third party o kabit ng isang seaman.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon sa babae, siya umano ay proud na kabit, ngunit huwag umano siyang husgahan dahil wala raw nakakaalam ng kanyang nararamdaman.
"wag nio po ako husgahan dahil hindi nio po alam ang nararamdaman ko. Tsaka nio lng po ako ma iintindihan kapag naramdaman nio na po ang dinadanas ko," sabi ng babae.
Kwento pa niya, hindi raw niya ginusto ang maging kabit pero wala na siyang magagawa dahil hirap na siyang umalis sa ganung sitwasyon. Dagdag pa niya, ipinaglalaban raw siya ng kanyang kinakasamang lalaki.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ang lalaki raw ang nagdesisyon dahil siya raw ang pinili at hindi ang asawa at anak nito.
Ayon pa sa kabit, hindi rin daw niya pineperahan ang kanyang kinakasamang seaman dahil malaki rin ang kanyang sinasahod. Hind rin naman daw pinapabayaan ng lalaki ang sustento sa anak nito.
Sa huli ay nakiusap ang kabit na huwag siyang husgahan dahil wala raw taong perperkto.
"At ano nmn magagawa nio kung ayaw na nga ng bf ko sa asawa nia? Kaya plss lng po wag nio po ako i judge hindi nmn tayo lahat perpekto."
Narito ang kanyang buong post:
"Ako po ung proud na kabit ng isang seaman wag pahabol na lng po. wag nio po ako husgahan dahil hindi nio po alam ang nararamdaman ko. Tsaka nio lng po ako ma iintindihan kapag naramdaman nio na po ang dinadanas ko. Hindi ko po ginusto ang maging kabit pero ano magagawa ko mahirap na po umalis sa gantong klaseng sitwasyon lalo nat alam ko na ipinaglalaban nmn ako ng aking bf. At hindi po ako ang mag dedesisyon kundi ang bf ko, pinapili ko nmn sia kung ako o asawa at anak nia at ako nmn pinipili nia. May trabaho nmn ako at dko kailangan ng pera ng bf ko. Mataas po sahod ko at sia nag susustento nmn sia sa anak nia. Paano nmn po kami makakarma dun?At ano nmn magagawa nio kung ayaw na nga ng bf ko sa asawa nia? Kaya plss lng po wag nio po ako i judge hindi nmn tayo lahat perpekto"
“What comes around, goes around. Masarap nga naman ang bawal at mas madaling gawin. Human as we are, mas pipiliin talaga natin ang madali. Kaya nga konti lang nagiging santo diba. If you are truly convinced that there is nothing wrong sa ginagawa mo, why would you seek advice from this group? Mema lang or you want other people to justify that there is nothing bad with wrecking someone's home. When we are blinded by too much emotions, we oftentimes fail to see what is right and true. Making the right choice is not easy. Never was and never will be. Just remember that life is a boomerang. What you give, you get,” sabi ni Jas Mine.
“buo yung sinira mo hindi ba pumasok sa utak mo yun? alam mo may pamilya ay lakas din ng loob mo na. pamiliin yung seaman hindi mo pa ginusto yun sa lagay na yun??? akoy hanga talaga sa mga tulad mo ok lang makasira ng pamilya basta maging masaya laang sa ngalan ng pag ibig... ako naman ay hindi rin perpekto para ijudge ka pero sa sinabi mo ay pinaliit mo ang tingin ko sayo nasahod ka pala ng malaki napakadaming binata pa yun sana ang piliin mo para pareho ma excite sa takbo ng buhay hindi yung sa huli tumagal man kayo ay may pagsisisihan kapa rin... kapag nang agaw ka aagawin din sayo ng iba tandaan mo yan..” sabi ni Chelle Esoreta Agbada.
“Tatanda ka rin, yang kalaswaan nio lilipas din pero yung sakit na dinulot nio sa mga bata at asawa hindi mawawala. Hindi pa ngayun ang karma pero pag dating ng panahon na tumanda na kayu sasampalin kayu ng katutuhanan na paraosan kalang at uuwi rin ang ama sa mga anak at asawa nia,” sabi ni Ikha Lyn.
***
Source: Seaman's Wife Ako | Facebook