Isang mister, hindi napigilang maiyak habang kinukuhanan ng video ang mga huling sandali ng kanyang asawa - The Daily Sentry


Isang mister, hindi napigilang maiyak habang kinukuhanan ng video ang mga huling sandali ng kanyang asawa



 

Larawan mula sa video ni Jayr



Isang nakaka-iyak na kwento ng mag asawa ang pumukaw sa damdamin ng mga netizen kamakailan matapos mag trending ng video na kuha ng isang mister sa kanyang asawa sa mga nalalabi nitong oras sa kanyang tabi.


Ang naturang video ay ibinahagi ni Jayr Atablanco, na asawa ng pumanaw na misis na si Kimberly Atablanco.



Sa video, kitang kita na hindi mapigilan ni Jayr ang kanyang mga luha habang dinuduyan nito ang asawang may sakit at habang sila ay nakikinig ng kanilang paboritong kanta.  


“YOU ARE STILL THE BEST EVEN AT YOUR WEAKEST.. no more pain my beloved wife


“My love for you is ETERNITY and BEYOND… THANK YOU FOR LOVING ME. Ayon sa caption ni Jayr sa huling video bago pumanaw ang asawa.


Napag alaman na si Kimberly ay pumanaw noong araw ding iyon ng Nobyembre 28, 2021, tatlong buwan matapos niya isilang ang kanilang anak ni Jayr.


Sabi mo na bago ka bumigay at kung aabot ka pa sa January, paghahandan mo ako ng lechon sa birthday ko. Wow ka talaga. Kahit hirap na, nag-iisip ka pa rin ng special para sa akin *


Larawan mula sa video ni Jayr


“Kahit na kunting oras lang tayong nagsama sa mundo, certainly you’re my soulmate.” Ayon sa madamdaming mensahe ni Jayr para sa kanyang kabiyak sa isang Facebook post.



Sa isang hiwalay na post ng kaibigan ni Jayr at Kimberly, makikita na ikinasal ang dalawa noong Nobyembre 24, 2021.


“And finally making their vows as husband and wife… true love cannot be measured when two people commit to each other thru thick and thin. Thank you Lord for making all these things happened, its all your grace that bind them. “ ayon sa caption


Larawan mula sa Facebook post ni Gelo Allirom


Naiwan kay Jayr ang kanilang tatlong buwang anak na siyang nagpapalakas naman ng kanyang loob upang ipag patuloy ang buhay na wala ang pinaka mamahal na kabiyak.


At ayon pa kay Jayr, sana daw ay may “visiting hours” ang langit para makausap man lang niya ang asawa kahit isang beses man lang sa isang linggo.