Isang matanda na hindi marunong bumasa at sumulat, huminging ng tulong sa mga tambay “Pang Redhorse lang” sinulat sa sobre - The Daily Sentry


Isang matanda na hindi marunong bumasa at sumulat, huminging ng tulong sa mga tambay “Pang Redhorse lang” sinulat sa sobre



 

Larawan mula sa Facebook


Imbes na tulungan ang isang lalaki ay pinag tripan pa ito ng mga tambay nang magpa tulong ito na sulatan ang kanyang sobre.


Hiling sana ng matanda na sulatan ito ng “Pangbili ng pagkain po” ngunit ang sinulat ng mga lalaki ay “Pang Red Horse lang” na makikita sa isang larawan.


Ang larawan na ito ni tatay ay agad na nagviral sa social media at maraming netizens ang nahabag sa lalaki at di lubos maisip ng karamihan kung bakit may mga taong nagawa pang manloko ng isang matanda.


Dahil hindi siya marunong bumasa at sumulat ay napilitan siyang lumapit sa mga tambay para ilagay ang nais sabihin sa sobre na kanyang gagamitin upang humingi ng tulong sa kanyang mga malalapitan.


Sabi pa umano ng mga ito kay tatay ay okay na at naisulat na sa kanyang sobra ang “Pangbili ng pagkain po” at nagpasalamat pa siya sa tulong ng mga ito.


Ngunit habang namamalimos si tatay dala ang sobre ay pinagtatawanan daw siya ng mga tao at may nagsabi pa ng “Ipang iinom mo lang naman pala ang pinanlilimos mo mag trabaho ka”.


Larawan mula sa Facebook


Dito na siya nagtaka at lumapit si tatay sa netizen na nagpost ng kanyang larawan at kwento sa social media.


Itinanong ni tatay sa netizen kung ano ba ang nakasulat sa kanyang sobra dahil aniya ay hindi sya marunong bumasa at sumulat.


“Napakawalang puso ng mga taong ganito ang ginagawa sa kanilang kapwa, sana’y hindi kayo patolugin ng konsensya ninyo, hindi na nga marunong bumasa at sumulat si tatay ganito pa ang gagawin ninyo” ayon sa caption ng nag post


Kahabag-habag ang ginawa nilang ito sa matanda, sana ay igalang natin ang matatanda may pinag aralan man o wala, marunong man bumasa o hindi.


Larawan mula sa Facebook


Ayos lang naman kung hindi ka tumulong, pero sana ay huwag mo naman gawan ng masama yung tao na namamalimos na nga lang upang may maipang tawid ng gutom sa araw-araw.