Screenshots mula sa video ni Baran Torrentira Angelito |
Napaiyak nalang ang isang pobreng lalaki mula sa Mindanao
nang mawala ang kanyang pinaghirapang pera na inipon sa loob ng tatlong taon dahil
sa isang walang pusong manloloko sa social media.
Ibinahagi ng Facebook user na si Baran Torrentira Angelito
ang video ng kanyang kuya na halos mag lumpasay sa lupa habang umiiyak.
Ang biktima na kinilalang si Christian Devera ay naging emosyonal
matapos mapag tanto na siya pala ay naloko ng nagngangalang Brien Maria C.
Budiongan.
Makikita sa mga larawan na binahagi ni Angelito kasama ang
video ni Devera ang resibo bilang patunay na nagbayad ng malaking halaga ang
biktima sa suspek para sa camera na matagal na nitong inaasam.
Nagmessage ang biktima sa ka-transaksyon na si Brien na
humihingi ng tracking number sa LBC ngunit hindi na ito sumasagot.
Ayon pa sa post ay nasa mahigit P46,000 ang naloko sa
biktima na nag ipon ng pera para makamit niya ang pangarap na camera ngunit naglaho
ito nang ganun-ganun nalang, lalo pa at ito ay perang inipon niya sa loob ng
tatlong taon.
Kaya dahil sa nangyari ay hindi napigilan ni Devera mapaupo
sa lupa habang umiiyak. *
Screenshot mula sa Facebook post ni Baran Torrentira Angelito |
“Hindi madali ang ma-scam. Sobra.. sa 3 years na pag iipon
ng aking kuya para sa kanyang pangarap na camera tapos iniscam lang. Ang Diyos
nalang ang nakakaalam sa ginawa ninyo. Please guys tulungan ninyo kaming ma
trace ang mga ito.” Ayon sa caption ni Angelito
Sa ilalim na ito ay ang pangalan at cellphone address umano
ng nanloko kay Devera na tila nakatira sa Marikina City.
Screenshot mula sa Facebook post ni Baran Torrentira Angelito |
Sa pinaka huling post ni Devera, patuloy siyang humihingi ng
tuloy upang ma-aksyonan ang kanyang sinapit. Aniya, hindi katanggap-tanggap na
siya ang magbabayad ng nautang niya dahil sa nangyari.
Aniya, mahirap kumita ng pera lalo pa sa tulad niyang
estudyante na nagsikap para makapag upgrade ng kanyang camera.
Ayon pa kay Devera, sana ay ma-share pa ang kanyang post
hanggang sa umabot ito sa kinauukulan at mahuli na ang suspek at hindi na makapang
loko ng ibang tao.