Isang anak ang may pakiusap sa mga netizens na huwag gawing katatawanan ang larawan ng kanyang ama sa social media.
Ayon kasi sa kumakalat na larawan, isang lalaki ang tinawag na “takas sa preso” dahil sa suot nitong color orange na uniform katulad ng sa mga inmates.
Sa Facebook post ng netizen na si Jerence Banglag, in-upload nito ang larawan na may caption na, “Naku may nakawala ata.”
Tila ipinapahiwatig ni Banglag na takas sa preso ang lalaki. Sa una ay talagang iisipin mong ang suot nito ay katulad ng suot ng mga preso.
Ngunit ayon sa anak ng lalaki, ito raw umano ang uniporme ng kanyang ama na isang pulmonologist sa Notre Dame de Chartres Hospital sa Baguio, Benguet.
“hello pls stop making fun of this. just so u know guys, this is my father a pulmonologist working for notre dame de chartres hospital. this is their scrub since nasa lung center pa sya nag wwork and in the midst of battling covid 19, eto yung way nila to cope up and be optimistic na matatapos din lahat to. pls stop insulting this post. you never know malay mo ikaw pa lumapit sakanya para humingi ng tulong :)) be kind to your front liners pleasee GODBLESS,” sabi ng babae.
Photo credit to the owner
Isang netizen naman ang nagpaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng letrang “P” sa uniporme ng pulmonologist. Sinabi rin nito na ang lalaking nasa larawan ang isa sa kanyang mga naging doktor noong sya ay operahan taong 2012.
“Kilala ko itong pulmonologist na ito. He is a younger colleage and was one of my 19 doctors when I had my fatal MI-CABG operation last 2012. He is a great doctor. Scrubs nya yan during fellowship niya. Kaya P ang tatak kasi para silang preso sa loob ng ICU pag nakaduty, he said.” ayon sa netizen.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"Hi! Pakisabi sa father mo thank you so much! And take care of himself. Sa family mo din," sabi ni Leonel Diaz.
"Funny pero di naman niya kasalanan na ganyan yung scrub nila. Sa unang tingin talaga mapapa "wow shit may nakawala" ka, lalo na pag sa malayo. I salute you sir!" sabi ni Maika.
"Ang babaw lang ng nasa isip nila na "wow" may nakawala, guys please never set aside na hindi lang yan ang sini symbolize ng damit na yaan at hindi lahat ng naka-suot nyan may sala so please GROW THE F*CK UP AND STOP DISCR*MINATI0N," comment ni Jeiuko.
"We completely admire your dad for his service and all the front liner," sabi naman ni Genesis.
"Pls extent our gratitude to your father and his team. We are praying for their safety and health," sabi ni Kayette.
***
Source: DailyPedia