Wala na talagang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Ang tanging hiling at pangarap nila ay palagi tayong ligtas at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Photo credit: Mica Tubino
Kaya naman habang kapiling pa natin ang ating mga magulang ay mahalin at pahalagahan natin sila.
Samantala, hindi maiwasang maluha ng netizen na si Mica Tubino nang madiskubre ang mga itinabing ampao ng kanyang yumaong ina.
Sa halip na pera, laman nito ay mga papel na nakasulat ang mga dasal at pangarap niya sa kanyang pamilya.
Photo credit: Mica Tubino
Photo credit: Mica Tubino
Kwento ni Mica, pumanaw ang kanyang ina noong Hulyo 13, 2021 sa edad na 50 dahil sa sakit na breast canc*r.
“Gusto ko rin po kasi na ibahagi sa ibang tao na, kahit nawalan tayo ng mahal sa buhay ay patuloy tayong bumangon sa araw araw, patuloy tayong lumaban, at ipakita na kaya natin maging matatag ano mang pagsubok ang dumating sa atin,” sabi ni Mica.
"Sana makatapos ang lahat kong anak sa kanilang pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho," laman ng isang ampao.
"Sana lagi kami ligtas sa anumang kapahamakan,” dagdag ng isa pang ampao.
Photo credit: Mica Tubino
Photo credit: Mica Tubino
Sa lahat ng mga sulat ng kanyang ina, ang talagang nagpalungkot kay Mica ay ang pangarap ng ina na magkaroon ng sariling bahay at lupa.
"Matagal na po kaming nangungupahan ng bahay. 'Yon po talaga pangarap ni Nanay. Sinasabi niya po sa 'ming magkakapatid na sana magkaroon kami ng bahay para 'di na mangupahan," sabi ni Mica.
Photo credit: Mica Tubino
Photo credit to the owner
Nakita ni Mica ang mga ampao 23 days pagkatapos pumanaw ng kanyang ina.
Aniya, hindi niya inakalang makakakita siya ng sulat sa mga ampao.
"Naghanap akong sanrio then may nakita akong mga ampaw do'n sa pagbukas ko. Na-curious ako kung anong laman. Akala ko po, malay mo, may lamang pera," kwento niya.
"'Di naman po ako nalungkot dahil 'di pera 'yung laman. Nalungkot po ako dahil nabasa ko po mga sulat ni Nanay, 'yung mga hiling, pangarap para sa 'ming pamilya," dagdag ng dalaga.
Photo credit: Mica Tubino
Photo credit: Mica Tubino
"'Pag ginagabi sa school, naka-ready na po 'yung pagkain namin. Lagi niya kaming inaabangan na umuwi dahil gabi na nga po ta's nakahanda na 'yung kakainin namin," ani Mica.
Photo credit: Mica Tubino
Photo credit: Mica Tubino
Matapos mabasa ni Mica at ng kanyang mga kapatid ang mga sulat, nangako silang magpupursige upang matupad ang pangarap ng kanilang nanay para sa kanilang pamilya.
"Nay, kung naririnig mo kami ngayon, kung nandito ka, ang mensahe ko lang ay tutuparin namin lahat ng hiling at pangarap mo sa 'min," saad ni Mica.
"Hindi ka namin bibiguin, Nanay, dahil mahal na mahal ka kasi namin," dagdag niya.
Photo credit: Mica Tubino
***
Source: Mica Tubino | Facebook