Kwento ng isang Housekeeper na pursigidong maka-ipon muli matapos sirain ng bagyo ang ipinapatayong dream house. - The Daily Sentry


Kwento ng isang Housekeeper na pursigidong maka-ipon muli matapos sirain ng bagyo ang ipinapatayong dream house.



Magkahalong lungkot at pagpapasalamat na ibinahagi sa Facebook page ni Chinkee tan ang istorya ni Jjs Tapales, kung saan ang kaniyang ipinapagawang bahay mula sa kanyang isang taon ng pag-iipon ay nawala na lang bigla.

Binagyo kasi ang ipinapatayong bahay nito ngunit malaki pa rin ang pasasalamat niya dahil ligtas ang kanyang pamilya.



Narito ang ibinahaging kwento:

"Good evening and Happy New Year everyone! (emoticon)Lalo-lalo na po kay Sir Chinkee Tan .Gusto ko lang pong e-share ang aking Happiness and Sadness ipon challenge po. kung paano ako nakaipon po. Isa po akong Stay-in House Keeping Dito po sa Manila. Masayang-masaya po ako dahil hindi ko po akalain na makakaipon ako ng ganitong halaga po."

Chinkee Tan | Facebook

Chinkee Tan | Facebook


"Nag start po akong mag-ipon January 2021 to December 2021 sabay naman Ng  pagpagawa nang aking munting tahanan sana. (emoticon)na halos isang buong taong sweldo ko ay ibinuhos ko saking bahay na mag iisang taon narin sana kunting kimbot at log-log ko nalang sa iniduro malapit kunang matapos ang aming dream house.at sa kasamaang palad sinira Ng isang #bagyongodette2021 sa isang iglap lang. (emoticon) pati materials kong cemment,nasayang lang at hindi na magamit."

"Malaking pasalamat ko sa buong maykapal dahil ligtas ang buong pamilya ko yon ang pinaka importante at walang nasaktan sa kanila(emoticon) Maraming salamat po lord god dahil iniligtas nyo po ang pamilya ko at hindi nyo po sila pinabayaan. (emoticon)"

"Saking pag-iipon pagkatanggap ko Ng aking sweldo every 15th and 30th.binabawas ko halos lahat gaya Ng materials,food allowance Ng pamilya ko, maintenance/needs Ng Mama ko .Doon naman ako bumabawi saking:"

Chinkee Tan | Facebook


#dayoffpay
#holidayspay
#tips
#loadsavings
#inveseble 50's - 200's
#coins
#CHRISTmasBunos
#13monthpaychallenge
#GoldInvestment

"Maraming salamat po lord god may pang umpisa na ako sa sinira ng #BagyongOdette at hindi na ako mahihirapan bumangon ulit (emoticon)"

"Maraming salamat po sa inyo sir Chinkee Tan dami ko pong natutunan sa pagbabasa Ng inyong books at panonood Ng inyong mga videos po.. maraming salamat po and more power god bless (emoticon)"

"Isa po akong house keeping"

- Jjs Tapales

Chinkee Tan | Facebook

Chinkee Tan | Facebook


Nakatutuwang makarining ng mga istoryang punong puno ng pag asa sa kabila ng hindi magandang karanasan. Sana'y maging inspirasyon ito sa lahat ng may pinagdadaanan.