Garbage collector, napagtapos ang panganay sa kolehiyo, habang nag-aaral ng Architect, Guro at Highschool ang iba - The Daily Sentry


Garbage collector, napagtapos ang panganay sa kolehiyo, habang nag-aaral ng Architect, Guro at Highschool ang iba




Isa na marahil sa pinaka inaasam-asam ng lahat ng mga magulang at ang pinakamagandang regalo para sa kanila ang mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. 


Tunay na kanilang maipagmamalaki at maipagmamayabang ang masayang tagumpay na ito sa kabila ng kahirapan at kawalan minsan ng pinansyal na pantustos sa mga pangangailangan. 


Bumuhos ang mga paghanga at papuri mula sa mga netizen para sa isang garbage collector na si Tatay Cris Quimado dahil sa pamamagitan ng kanyang pagpupursige araw-araw sa trabaho napagtapos niya ang kanyang panganay na anak sa kolehiyo at ngayo'y tumutulong sa kanilang pamilya. 


Aminadong hindi naging madali para kay Tatay Cris ang igapang ang anim na anak sa kanilang pag-aaral lalo pa't tanging sa pagpangongolekta ng basura lamang siya umaasa para sa mga pangmatrikula at pangangailangan nila sa eskwela. 



“Mahirap ang buhay kasama na anim na ang anak ko. Lahat sila nag-aaral. Trabaho ko, isa lang akong basurero.”


Dahil umano sa hirap ng kanilang pamumuhay noon, hanggang Elementarya lang ang natapos niya at hindi na nakakapagpatuloy pa ng pag-aaral sa High School, kaya ganun nalang ang sipag at tiyaga niya para sa mga anak. 


“Pinilit ko talaga muna matapos muna ang isa. Hanggang ngayon tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng iba.”


Nagtapos ang panganay niyang si Jean Rose Quimado ng Bachelor of Science in Nutrition and Food Technology sa Technological University of the Philippines (TUP). Nasa kolehiyo naman ngayon ang dalawa niyang anak na kumukuha ng kursong Architech at Guro, habang nasa High School pa ang tatlo.  




Emosyonal na pagbabahagi pa ni Tatay Cris, malaki ang pasasalamat niya bilang isang Ama at mapalad silang mga magulang sa kanilang mga anak dahil masisipag lahat sa pag-aaral. Kaya naman kahit hindi madali ang kanyang hanapbuhay ay sinuklian naman ito ng kabutihan ng mga anak.


“Basta ang sinasabi ko lang sa kanila, ‘Magtapos kayo, kasi yun lang yung ia-ano ko sa inyo, maipagmamalaki.’”


“Sa mga anak ko, salamat kasi hindi kayo nagpapabaya sa pag-aaral. Magpakabait lang kayo lagi. Huwag niyong pababayaan ang pag-aaral niyo. Mahal na mahal ko kayo.”  

Taos puso rin ang pagpapahalaga ng kanyang mga anak sa lahat ng kanyang pagsasakripisyo sa klase at hirap ng kanyang trabaho para lang mapag-aral lahat silang magkakapatid. 


"Papa, maraming salamt sa lahat pagsasakripisyo niyo ni Mama para makapagpatapos po ako ng pag-aaral. At maraming-maraming salamat sa pagpoprovide sa lahat ng mga pangaingailangan namin mula sa bahay at sa school,"




Tulong-tulong na itinataguyod nilang mag-asawa ang mga pangangailangan nila sa araw-araw mag pamilya at lalo na sa mga anak. Umaagapay ang misis niya at namamasukan bilang isang tindera ng isang bakery.  


Itinampok rin ang kahanga-hanagang kwento ni Tatay Cris sa "Bawal Judgemental" isang segment ng Eat Bulaga. 


***

Source: Eat Bulaga

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!