EX-OFW naging palaboy matapos itakwil ng pamilya nang mawalan ng trabaho - The Daily Sentry


EX-OFW naging palaboy matapos itakwil ng pamilya nang mawalan ng trabaho



  

Larawan mula kay Mae Regala

Ano ang gagawin mo at mararamdaman mo kung lahat ng naipundar mo sa pagtatrabaho abroad ay paguwi mo ng Pilipinas ay nawala ng parang bula.


Viral sa social media ang post na ibinahagi ng isang netizen na si Mae Regala kung saan ay ikinuwento nito ang naging buhay ng isang kababayan natin na nagtrabaho sa bansang Riyadh bilang isang engineer.


Ayon sa post ni Mae, nakita niya ang lalaki na si Romeo Ordaz sa SM Southmall na nagpapalaboy-laboy na lamang.

Larawan mula kay Mae Regala

Dahil sa pagkaawa ay kinausap ni Mae si kuya Romeo upang malaman kung ano ang nangyari sa kanya at bakit siya naging palaboy.


Ayon umano sa kwento ni Romeo, dati siyang nagtrabaho bilang engineer sa bansang Riyadh at umuwi siya ng Pilipinas noong taong 2011, ngunit laking gulat umano nito ng wala na siyang nadatnang pamilya at bahay sa kanilang lugar.

“My mother and I ran into kuya today at SM Southmall, his name is ROMEO ORDAZ. He was an Engineer in Riyadh a few years ago,” sabi nito. 

“Pag uwi niya ng Manila nung 2011, wala na yung family niya, wala na rin yung bahay nila. He is looking for his parents,” dagdag pa niya. 

Sabi ni Mae, wala daw kaalam-alam si kuya Romeo kung nasaan na ang kanyang mga kamag-anak. Mayroon umanong kumuha sa kanyang mga pera kaya walang-wala na siya ngayon.
Larawan mula kay Mae Regala

"he’s been homeless since 2011, he has no idea where his relatives are. he mentioned something about someone taking all his money. all his ipon from working abroad. he knows his parents may be dead, but he still has some relatives in the province." ayon sa post ni Mae.


Matapos ang ilang taong pagbabanat ng buto sa Saudi Arabia, umuwing butas ang bulsa si Romeo. 


Patuloy ang panawagan ni Mae sa social media upang matulungang mahanp ang kanyang mga kamaganak upang hindi na ito maging palaboy sa daan.

Larawan mula kay Mae Regala

Sa isang komento naman ng netizen sa post ni Mae, sinabi nito na naging pasyente niya noon si Romeo at nagkwento rin siya tungkol sa naging buhay niya.

Larawan mula kay Mae Regala

"This guy was my patient before!! He told me those stories too. I think he mentioned something about his wife taking everything." ayon sa netizen na si Adee Hitomi Akiyawa.


"I gave him maintenance meds but that was 3 months ago. He wore the same clothes as he is wearing on those photos." dagdag pa nito.


"Naalala ko po siya kahapon, siya po yung may tungkod na nakasakay sa elevator then tinulungan po namin siya sa paglabas ng elevator kasi po parang nahihirapan po siya." ayon din sa isa pang netizen na nakakita sa kanya.


Sadyang nakaka-awa ang kalagayan ni kuya Romeo, sana ay matulungan siya.


****


Source: Mae Regala