Larawan mula sa Facebook (Joel Gualberto via OMNI Filipino) |
Kailanman ay hindi naging hadlang ang edad, estado sa buhay,
o kahit ang iyong pinagmulan upang makamit ang mga pangarap.
Ito ay pinatunayan ng kwento ni Joel Gualberto, isang dating pulis dito sa
Pilipinas na ngayon ay isa ng miyembro ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP)
na talaga namang inspirasyon sa karamihan.
Ang RCMP ay ang federal at national police sa Canada, kung
saan ay nanirahan si Joel ng labing anim na taon kasama ang kanyang pamilya.
Inilahad ni Joel na hindi biro ang kanyang pinagdaanan bago
siya naging ganap na Canadian police.
Ibinahagi ni Joel ang kwento ng kanyang pakikipag sapalaran
sa ibang bansa kay Ron Gagalac ng OMNI Filipino noong Enero 31, 2022.
Nagpag alaman na dating miyembro ng Western Police District
si Joel mula 1999 hanggang 2003. Siya ay na destino sa mobile patrol sa U.N.
Avenue sa Maynila.
Lumipad si Joel patungong Canada taong 2003 kasama ang
kanyang buong pamilya.
Noong bago pa lang siya sa Canada ay napansin na niya ang
isang constable ng Canadian police, na talagang tumatak sa isip niya at ito ay kanyang
pinang hawakan. *
Larawan mula sa Facebook (Joel Gualberto via OMNI Filipino) |
Bago narating ang kanyang pangarap, iba’t ibang trabaho din
daw ang pinasukan ni Joel sa Canada.
Siya ay naging isang security guard, cleaner, at delivery
guy sa isang fast-food restaurant.
“Nagtatrabaho ako sa A&W at sa Coke, 9:00 [am] to 5:00
[pm]. 6:00 [pm] to 11:00 pm, naglilinis kami.” Ani Joel
At sa kanyang day-off, imbes na magpahinga ay pinasok din niya
ang part-time delivery driver siya sa isang pizza store.
Gayun pa man, ramdam niyang may kulang pa rin: "Still
there is something missing..."
Taong 2019 nang magpasyang mag apply si Joel sa RCMP at
simulang tuparin ang kanyang pangarap.
Aniya, siya ay 47 anyos na noon at siya pa ang pinaka matanda sa mga kasabayan niya sa training para maging Canadia police, ang pinaka bata naman ay 20 anyos lang. *
Larawan mula sa Facebook (Joel Gualberto via OMNI Filipino) |
Ang training ng RCMP ayon sa website nito ay aabot ng 26
weeks o six months para maging ganap na miyembro ng RCMP.
Kahit may edad na ay kinaya pa rin ni Joel ang makipag
sabayan sa ibang mas batang aplikante pagdating sa physical and academic
requirements.
“Tumatakbo ako kahit na winter. Nag-join ako, 47 years old.
“I’m the oldest in the troop and yung youngest namin is 20
years old.” Kwento pa ni Joel
At habang tulog ang kanyang mga kasamahan sa dormitory,
babangon siya upang mag aral.
“Binabasa ko yung pinag-aralan namin that day ‘till one
o’clock [a.m.] hanggang sa talagang ma-absorb ko.” Aniya
Pinag buti ni Joel ang kanyang pag aaral lalo pa at hamon
rin sa kanya ang English.
“Nakakaintindi tayo pero iba yung deep English.” Sabi pa niya
Ang nang sumapit ang araw ng examination, hindi umasa si
Joel na siya ay makakapasa. Sapat na umano na ginawa niya ang lahat para sumubok.
Sa 32 na tropa, 21 lamang ang pumasa at kasama dito si Joel,
ang bukod tanging Pilipino na pinalad. At aniya, siya rin ang pinaka matanda.
Si Joel din ang naging RCMP ambassador sa Filipino community
sa Alberta, Canada.
Siya ay naging Canadian citizen “by naturalization” ngunit
hindi kailanman nawala ang kanyang pagiging Pilipino.
“I’m so proud to be a Filipino.” aniya