Dating carwash boy, nagpursige sa kabila ng kahirapan ngayo'y Top-9 sa Criminology Licensure Exam - The Daily Sentry


Dating carwash boy, nagpursige sa kabila ng kahirapan ngayo'y Top-9 sa Criminology Licensure Exam




Inspirasyon ngayon ang tagumpay na nakamit ng dating umeextra-extra lang sa pag-cacarwash upang kumita at magka-allowance para sa kanyang pag-aaral at ngayo'y hindi lang basta ipinasa ang Criminology Licensure Exam kundi napabilang sa mga topnotchers sa nasabing pasulit.


Ito ang kwentong magpapatunay na walang kahirapan o estado ng buhay ang makakapigil sa taong determinadong abutin ang pangarap. 


Hindi parin makapaniwala ang tubong Laoag City, Ilocos Norte na si Daniel Joshua Sarabia na nakapasa siya at nag Top-9 sa higit na 11,000 na pumasa mula sa halos 33,000 examinees.


Bukod sa suporta ng kaniyang pamilya, sekreto niya sa pagkamit ng dati'y pangarap niya lang ay ang taimtim na dasal at paghingi ng gabay sa Maykapal.  


"Pray, Read, Repeat,"


"Namuhunan po ako ng maraming panalangin. Panalangin po talaga. Tsaka tiwala sa sarili para sa goal,"



Mulat siya sa kahirapan ng kanilang pamilya at tanging kanyang motibasyon ang kahirapan ng kanilang pamilya at ang hindi pagsuko ng kanyang Ina sa kabila ng kanyang pagiging pasaway noon. 


"Hind sumuko si mother sa akin. Hindi niya ako sinusukuan, naging  motibasyon ko 'yon,"


Pinagsasabay niya sa pag-aaral at ang pagiging working student niya noon para may pambaon sa. Aminado rin siyang hindi siya ang tipikal na nagsusunog ng kilay na estudyante, pasaway at lumiliban rin sa klase.


"I am not an honor student nor an outstanding student dati. Five years po ako nag high school,"


Kahit pa man sa mga pagsubok sa pamilya at sa kanyang pag-aaral, hindi siya sumuko at patuloy lang sa pagpupursige hanggang sa nakapagtapos ng kolehiyo.


"Nagkaron kami ng problema sa pamilya nag rebelde ako, nakipagsagutan ako sa mga Teacher ko dati, nadismiss ako, at huminto ako ng pag-aaral,"



"Maraming challenges finacially at sa family. Dumating din po ako sa point na nag stop ako sa pag-aaral pero hindi ako sumuko at patuloy akong nagpursige,"


Lubos ang pasasalamat ni Daniel sa lahat ng hindi nawalan ng tiwala sa kanya at sa mga taong patuloy siya sinusupurtahan hanggang sa panahong kanya ng inaani ang hindi pagsuko sa hamon na pinagdaaranan.


"Very thankful po ako number-1 kay God, sa pamilya ko, sa lahat ng naniwala at sa mga nagbigay po ng suporta," 


***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!