Daang abot tuhod ang putik, matagal ng reklamo at dinadaing ng mga nasa malalayong probinsiya ng Mindanao - The Daily Sentry


Daang abot tuhod ang putik, matagal ng reklamo at dinadaing ng mga nasa malalayong probinsiya ng Mindanao




Maulan man o mainit, parehas lang ang hirap na dinaranas nilang mga nasa liblib ng probinsya nakatira. Lahat nagmamakaawang dinggin ang matagal na nilang hiling at idinaing na sana'y mapansin naman silang mga nasa malalayong parte ng bansa naninirahan. 


Hindi mo aakalaing madadaanan pa ng mga tao at may nakatira pa sa kanilang lugar dahil sa sobra pa sa hirap na sitwasyon ng kanilang kalsada. 


Halos lagpas tuhod na putik ang matagal ng reklamo ng mga residenteng nakatira sa Maliwanag, Esperanza, Agusan Del Sur. Dagdag pahirap ito sa kanila lalo na sa pagbaba at pagpapalabas ng kanilang mga tanim na produkto at paghahanapbuhay.


Nang dahil narin umano sa sobrang hirap ng kanilang dinadaanang papasok at palabas ng bundok, napipilitan ang mga iilang mga drayber na hindi lang basta doble at triple ang singil na pamasahe.

 


"Sa napakahirap na daan, P1500 ang singil na pamasahe para sa one-way lang. At inaabot kami ng isang araw sa paglalakad para marating lang ang aming komunidad,"


Ayon pa sa post ng Click Radio Butuan, daing ng mga residente na sana'y maramdaman naman nila na may pagmamahal pa para sa kanila ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa kanilang probinsya. 


"Sana makita ng karamihan na minamahal pa kami ng aming Governor lalo na sa lahat ng mga nangangasiwa sa probinsya ng Agusan del Sur,"


Hindi lamang umano sa kanila lang ang may ganitong pangit na sitwasyon ng kalsada, marami pa sa mga karatig bayan nila na mas malala pa ang nararanasan.





"Marami pang mga lugar na hindi nabibigyang pansin at prayoridad. Dahil sa sobrang layo, malaki ang nagagastos namin para maibaba lang lahat ng aming mga produkto," 


Dagdag pa sa post, pinangakuan rin umano sila na babalikan ni Cong. Eddiebong Plaza, ang Congressman ng 2nd District ng probinsya. Hangad nila ang pangakong pagbabago para sa matagal na nilang problema.




"Asan na ang pangako ni Gov. Eddiebong na babalik siya pagkatapos ng kanyang mga pangako. Dumaan siya sa Brgy. Segunda, Esperanza. Inaasahan naming lahat  hanggang ngayong 2022 na sana'y mabigyan rin naman sana kami ng pansin. 


"Asan na ang tunay pagbabago para sa Agusan del Sur,"  


Sa isa pang post mula kay Chelouise VLOG, tampok parin ang maputik at sirang daan. Doble ang pahirap na inaabot nila lalo na kung tag-ulan. Malaking tulong at ginhawa para sa kanila ang sana'y mapagawan na ng maayos na kalsada ang lugar nila


"Ito ang aming daanan papunta sa Maliwanag esperanza Agusan del Sur, grabe napakahirap lalo kapag umuulan sobra sobrang hirap at pagod ang aming dadanasin bago kami makarating sa aming pupuntahan. Sana po sir Mark Villar isa po ang aming lugar na maabot ng inyong tulong,"





"Sobrang mahal po ang aming pamasahe ng dahil sa daanan na napakaputik. Napakalaking bagay po kapag maipagawa ang aming daan hindi lang po saamin pati na rin sa mga eachers na doon nagtuturo s aming bayan," 


***

Source: Click Radio Butuan

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!